/HLM-5/

24 14 122
                                    

LOIS

"Bilis! I-lock mo ang pintuan!"

Mabilis na kumilos ang lalaking hiningan ko ng tulong kanina at kaagad na nilagyan ng mahabang bakal ang pintuan.

Dahil babasagin ang pintuan ay malaki ang posibilidad na mabasag ito ng killer pero anong magagawa namin kundi harangan ito pansamantala.

"Pre, anong nangyayari? Miss, anong ginagawa niyo? Bakit niyo hinaharangan ang pintuan?"

Mula sa likuran namin ay may sumulpot na isang lalaking mataba, may makapal na bigote at nakasalamin. Nagtataka niya kaming tiningnan saka pabalik-balik ang tingin sa pintuan, sa katrabaho niya at sa akin.

"Pre, makinig ka sa'kin. May lalaki sa labas na gusto kaming patayin!"

Gulat siyang sumulyap sa labas at doon, kitang-kita namin ang dahan-dahang paglalakad ng killer papunta sa kinaroroonan namin.

May dala-dala siyang isang malaking palakol na paulit-ulit niyang iniikot sa kaniyang mga kamay.

Dahil nakatapat siya sa poste ng ilaw ay kitang-kita namin ang nakakakilabot na ngiti na gumuhit sa kaniyang mga labi.

"Emergency news ahead. Williams aka the 'Midnight Phantom Killer' has escaped from maximum prisonal asylum where he was being held for murdering thirteen people. The public is recommended to lock their doors, stay inside and avoid the areas near Orton Hills."

Sakto namang anunsiyo sa TV sa isang palabas na balita sa kinalalagyan namin ngayon.

Kung gano'n ang killer na ito ay nakatakas mula sa kulungan at ngayon ay nandito siya para pumatay ng tao?!

What the actual fuck is that?!

At ngayon, kami ang napili niya at pinupunterya niya?! The fuck!

"Nandiyan na siya!"

Mabilis lumipad ang paningin ko sa entrance at nanlaki ang mga mata ko nang makita roon ang killer na nakatayo.

Hindi nawala ang nakakakilabot niyang ngisi kaya mas lalo kaming nataranta.

Ano bang magagawa namin sa ganitong sitwasyon? Tutunganga hanggang sa mapatay niya kami lahat o pilit na lumaban?

Para sa'kin, mas pipiliin ko ang pangalawa. Ayokong mamatay nang walang ginagawa. Subukan ko man lang iligtas ang sarili ko kahit papaano.

Napatili na lang ako nang malakas na nagsibasag ang salamin ng pintuan at nagsitalsikan ang mga salamin sa direksiyon namin.

Nang matagumpay na niyang nabasag ang lahat ng parte ng salamin ay mistulang tumahimik ang lahat sa paligid ko.

Tanging ang mabibigat niyang yabag ang naririnig ko at ang matulis at makintab niyang palakol na sumasayad sa sahig.

"Oh, shit... we're gonna fucking die..."

Napaatras ako ng lakad ng tuluyang makita ang itsura niya sa malapitan.

Ang kalahating parte ng mukha niya ay sa tingin ko ay nasunog samantalang ang kabila ay may isang malaking hiwa mula mata niya pababa sa baba niya.

Mapapansin sa suot niya na mula pa siya sa kulungan dahil sa suot niyang pang-preso na kulay orange.

Marami siyang tattoo sa braso, leeg at mukha dahilan kaya hindi na ako magtataka na isa siyang notorious na kriminal.

Natumba ako sa sahig lalo na nang makita ko na unti-unti niyang inangat ang hawak niyang palakol at akmang ihahataw ito sa akin pero mabilis siyang sinakyan ng matabang lalaki sa likod at nilagyan ng tali ang leeg nito.

Here Lies MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon