Kelevi Camerino
Feb. 05, 2019 at 5:01 PMKelevi:
are you finally home?
Coco:
hello levi, kakauwi ko lang
ikaw ba? Nasa studio ka parin?
Kelevi:
may tinatapos lang, kasama ko pa rin naman sila Trista
Coco:
hala dapat pala hindi muna ako umalis? Ako lang ba ang wala riyan? Babalik ako diyan
Kelevi:
naglilinis lang kami, bawal ka dito ang daming alikabok baka ano pang mangyari sayo
wag kang mag-alala, kami naman talaga ang nagsabi sayo na mauna ng umuwi
Coco:
kahit na, nakakahiya naman kung pati sa paglilinis wala akong maitutulong
saka pwede naman akong assistant lang? Tagabuhat? Tagabitbit? Yun din kasi madalas inuutos sakin sa student org. kasi ayaw din nilang pinaglilinis ako
Kelevi:
what? they let them carry you heavy things?
Coco:
hindi naman, tumutulong din naman sakin yung kaibigan kong si River eh kaya kahit papaano gumagaan yung trabaho ko
Kelevi:
if you need help, I can help
Coco:
huh? ayos lang, kaya ko naman talaga ang sarili ko, kayo lang masyadong worried
Kelevi:
of course...
Coco, about what happened before...
Coco:
Levi, tapos na yun
Kelevi:
Still, I'm sorry.
Coco:
hindi naman ako galit
Kelevi:
I can't seem to move on. Bumabalik sa isipan ko yung nangyari sayo dahil sakin at hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong humarap sayo ng wala ng regrets at frustrations sa sariling katangahan
I'm sorry if I put you in that situation and made you suffer. At kahit sabihin ko ng paulit-ulit na hindi ko sinasadya, aminado pa rin naman akong kasalanan ko ang nangyari
Coco:
nako-konsensya ka lang ba dahil diyan o nako-konsensya ka dahil naaawa ka sakin?
Kelevi:
Coco... I'm sorry, I just feel bad why you were given such sickness
Coco:
ayos lang, naiintindihan ko naman ang awang nararamdaman mo dahil pati mismo ako naaawa na din sa sarili
Kelevi:
you may pity yourself but you don't know how tougher you are more than your difficulties in life
remember that as life continues to give you more blows
Coco:
thanks, Levi. I'll remember that.
Kelevi:
about that day before the incident happened in the parking lot...
I want to talk about that, Coco.
Coco:
bakit naaalala mo pa rin iyon hanggang ngayon?
Kelevi:
dahil hanggang ngayon nagtataka pa rin ako. It has been bothering me and I couldn't ask you to talk about it again after you were discharged because it would be shameful for me to do that
ngayon lang ako nagkalakas ng loob na buksan ang usapin tungkol diyan pero maiintindihan ko kung ayaw mo ng pag-usapan
I'll respect your decision. If it makes you uncomfortable, then I won't force you. But if not, then we really need to talk.
Coco:
ngayon mo lang ba sasabihin na hindi mo rin ako gusto at hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko para sayo?
you could've done that long time ago so you wouldn't be this bothered, Levi.
Kelevi:
paano kung sabihin ko sayo na gusto rin kita? Na kahit sinabi ko kaagad sayo ng mas maaga, hindi pa rin ako mapapanatag?
you've been really bothering me, not because you told me you like me, but because I like you, Coco.
I really do.