CHAPTER III: The Warrior of the Valiant Heroes

143 11 6
                                    

Human's face is one of the most unique features and is usually what people remember you for. With more than 7 billion people inhabiting the planet, it may not seem so unlikely that someone out there could resemble someone—could resemble you.

But that uniqueness may not be entirely true as the probability of your "twin" walking around is higher than you might expect.

It's like having a doppelgänger. Doppelgängers (German for "double walker") are non-biologically related lookalikes – they are not genetically related to you nor do they have any connection to your family history, but for some odd reason, have similar features to you.

Apparently there is a one in 135 chance that there's a single pair of complete doppelgängers.

Naalala lang ni Gianna ang nabasa n'ya sa isang website nung minsang nag-ri-research s'ya para sa kanyang thesis. Sa una ay hindi talaga s'ya naniniwalang may mga taong eksatong magkakapareho ang mukha kahit hindi sila kadugo. Siguradong-sigurado s'ya, scientifically speaking, na kambal lang ang tanging pares na magkapareho ang mukha. Masyadong imposible ang dalawang taong hindi magkadugo na magkapareho ang mukha.

Or so, she thought.

"Soraya, my daughter! We've been looking for you! Please anak, umuwi ka na!"

Soraya—huh? Sino'ng Soraya? Agad na kumunot ang noo ni Gianna matapos s'yang hawakan ng matanda sa kanyang mga braso at halos maiyak na ito nung makita s'ya. "Ah, sir. Huminahon po muna kayo—"

"I'm so dead worried when you ran away. We tried to track you down but you kept on running away from us. Natatakot ako na kapag nalaman ni Lewis Vincent na nawawala ka ay tiyak na—"

"Sir, huminahon po muna kayo at pakinggan n'yo muna ako," ani Gianna at agad namang natigilan ang matanda. Mukhang nagtataka rin ito kung bakit n'ya ito tinatawag na 'sir'. "Hindi... hindi po ako si Soraya—kung sino man 'tong Soraya na ito, hindi po ako iyon. Gianna..." madali n'yang kinapa ang kanyang ID para ipakita ito sa matanda. "Gianna Evagelio po ang pangalan ko. Hindi po ako si Soraya na sinasabi n'yong anak n'yo."

Napatingin naman ang matanda sa pinakitang ID ng dalaga.


SOUTHEAST UNIVERSITY

BS Nursing Department

Gianna D. Evangelio


"Gianna... Evangelio..." usal ng matandang lalaking nasa harap n'ya ngayon matapos nitong makita ang pangalan n'ya.

"O-Opo. Gianna. Gianna Evangelio po ang pangalan ko po. Hindi po ako si Soraya—o kung ano man pong pangalan ng anak n'yo po—hi-hindi po ako 'yun," paglilinaw n'ya.

Unti-unti na rin s'yang binitawan ng matandang lalaking nasa harap n'ya. "I... I apologized for what I did. I really might crept you out. I'm very sorry."

Sobra po, ser. Ang creepy lang po na bigla n'yo po akong hinawakan. Nakakaloka.

"I'm very sorry. I really thought that you're my daughter, Soraya. She's been missing for days already and I was really desperate searching for her and I really thought she's you. I'm very sorry," dispensa ng matanda.

"O-Okay lang po 'yun, sir. Aminado po akong nagulat po ako sa ginawa ninyo pero naiintindihan ko po," ngumiti si Gianna bilang tugon. "Sana po ay mahanap n'yo na po ang anak ninyo."

Bahagyang yumuko si Gianna bilang paggalang at saka niya iniwan ang matanda para sumakay ng jeep.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For Hire: Fiancée for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon