Asher Cerise Finley
Habang papasok ako sa bahay namin nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Inayos ko naman ang aking sarili para maging prisintabli naman yung itsura ko. Dali dali akong pumunta sa sala kung saan nandon silang lahat. Tumikhim ako at nagsalita.
"Ehemm, mano po nay, tay" pagkatapos kung mag mano napatingin naman ako sa kabilang sofa. Napalaki naman ang aking magagandang mata sa nakita. "ikaw! Ikaw yung nakabunggo sa akin kanina sa fast-food chain. A-anong ginagawa niyo rito at bakit may nakaparadang sasakyan sa labas?" Ang tanong ko sa kanila. "At may logo pa ng palasyo"
"Maghunos dili ka anak, ikaw talaga napaka ingay mo" ang pagsaway sa akin ni inay na nakangiti. Tumingin naman ito sa lalaki at humingi ng paumanhin. "Nako, pasensyahan niyo na to ang aking anak napaka ingay talaga nito".
"Walang problema po iyan ma'am. Naunawan ko po ang reaksyon niya. Nabunggo ko kasi siya kanina habang papasok siya sa cr" tugon habang nakatingin sa akin. "Pasensya na ulit sa nangyari"
"Anyways, nandito po kami dahil sa importanting bagay na inutos sa amin ng kamahalan" ang pagpatuloy niya sa naudlot na pag-uusap. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. "Maaari ko bang tingnan muli ang iyong singsing binibini?" Ang tanong niya sa akin.
Nahiya naman ako dahil tinawag niya akong binibini. Nakita ko sa peripheral vision ko ang aking kapatid na bumungisngis. Inabot ko naman sa kanya ang aking kamay na may singsing. Tiningnan niya ito at hinahaplos ang aking kamay. Pinamulahan naman ako sa kanyang sinabi.
"Napakaganda ng iyong kamay binibini at napakalambot pa" ang nakatingin niyang salita sa akin. Hinawakan naman niya ang singsing at nagtanong. "San mo ito nabili o nakuha? Maaari ko bang malaman?"
Kinuha ko muna ang aking kamay dahil nahihiya na ako sa paraan niya nang paghawak. Tiningnan ko naman ang singsing at tumogon sa kanyang tanong. "Ano ba ang paki niyo?" Ang nakataas kung kilay na tanong sa kanya. Nagulat naman silang lahat. Magsasalita na sana si nanay ngunit ununahan ko na. "Joke lang po hehehehe. Ang seryoso niyo kasi." Napakamot naman ang lalaki sa kanyang batok. Shuta ang cute niyang tingnan. "Binigay po ito ng matandang babae sa akin noong nakaraang araw. Tinulungan ko po kasi siyang tumawid at binigyan ko na rin siya ng pera dahil nawala niya raw yung pitaka niya. Hindi ko sana ito tatanggapin ngunit pinilit niya akong tanggapin ito. Hindi ko naman alam na singsing pala ang laman ng kahon at napakaganda pa." Ang mahaba kong lintaya. Tiningnan ko naman ang lalaki na tumatango. "Maari ko bang maitanong sa inyo kung bakit kayo nandito sa aming munting tahanan?"
"As what I've said a while ago, nandito kami dahil unutosan kami ng kamahalan na hanapin yung singsing na binigay niya sa isang babaeng tumulong sa kanya. At nandito kami dahil nakita kitang suot yung singsing noong nabunggo kita sa fast food chain.” Ang tugon niya sa aking tanong. Tumango naman ako at kinuha ang singsing.
"Marahil napaka mahal nga nitong singsing. Hindi ko lubos akalain na pinapahanap pala ito sa inyo. Nako, ito na po yung singsing ng kamahalan. Patawad hindi ko naman alam na ang kamahalan pala iyon. At isa pa hindi po ako babae lalaki po ako pero may pusong babae. Baka nakapagkamalan lang ako ng kamahalan na babae dahil sa taglay kung ganda" Ang mapagbiro kung tugon. Inabot ko naman sa kanya ang singsing. Ngunit hindi niya ito tinanggap. Nanlaki pa nga ang mga mata nito dahil sa aking sinabi.
"Hindi naman iyan pinakuha ng kamahalan. Marahil ako rin mapagkamalan kita ng babae dahil sa iyong physical na taglay.” Ang nakangiti niyang sagot. “Hindi mo ba alam ang tungkol sa singsing na iyan?” Ang tanong niya sa akin.
"Patawad ngunit hindi ko po alam. Bakit po ba?” and tugon ko sa kanyang tanong. May pumasok namang kalokohan sa aking isipan. “Marahil itong singsing na ito ay isang kasundoan? Ikakasal ba ako sa prinsipe?" Ang pagbibiro kong tugon habang tumatawa. Binatukan naman ako ng kapatid ko. Aba namumuro na'to ah.
"Kuya! Huwag kang aasa, kakabasa mo iyan ng wattpad eh" tumatawa pa ito habang nangangasar sa akin. Tumikhim naman si kuyang pogi.
"Kung sasabihin ko na tama ang iyong iniisip maniniwala kaba?" Ang seryosong tugon ni kuya. Natahimik naman ako at tumingin sa kanya. "Ikaw ang masuwerteng napili ng kamahalan. Binigay niya yang singsing dahil nakita niya sa iyo na napakabait mo at napakamatulungin. Marahil hindi niya lang nalaman na isa kang lalaki."
Napangiwi naman ako at pinoproseso ng aking utak ang kanyang sinabi. Hanggang “Ano! Ako mapapangasawa ng prinsepe? Nababaliw na yata kayo.” Ang dismaya kong tugon sa kanya. “bakit naman ganyan ang naisip ng kamahalan? Maari naman siyang makipagsundo sa mga ma-impluwensyang pamilya dito upang magiging matatag ang palasyo.” Ang nalilitong tanong ko kay kuyang pogi.
“Hmmm, wala ako sa posisyon upang sagutin ang iyong katanongan. Isa pa, sumosunod lang kami sa mga utos ng kamahalan. Mararapat na sa kamahalan mo na iyan itanong. Pasensya na.” ang pagpaumanhin niya sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo na para bang nalilito na.
“Kung sa gayon, ano ba ang punot dulo ng iyong pagpunta rito?” ang tanong ko sa kanila para matapos na itong kalukuhan na ito. Napalunok naman ako tumitig kay kuyang pogi.
“Aside sa mga pinagsasabi ko kanina, naparito ako upang sabihin sa inyo na bukas na bukas din ay may dadating na mga tagasilbi ng palasyo upang tulongan ka binibini sa pag impake ng mga gamit mo. Dahil simula bukas, sa palasyo kana titira. Maliwanag ba?” ang tugon niya. Nagulantang naman ako sa kanyang sinabi. Is this for real! I can’t believe it. OMGGGGG!
“Totoo ba iyan? Hindi ka naman nagsisinungaling diba? Akoooo ba talaga ang napili ng kamahalan? Eh hindi naman ako babae, isang hamak na bakla lang ako na may magandang pangarap sa buhay. Final na ba iyan?” ang nahihiya kong bulalas kay kuyang pogi.
“Totoong-totoo itong lahat. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang napili ng kamahalan. Marahil nakita niya sa iyo na kaya mong makipagsundo sa prinsipe. Huwag kang mag-alala, lahat ng mga katanongan mo ay masasagutan iyan ng kamahalan. O siya, kami ay uuwi na, salamat sa pagtanggap sa amin Mr. and Mrs. Finley. 5:00 pm po ay may pupunta didto upang tulongan kayo sa pag iimpake. Maraming salamat po.” Ang mahaba niyang lintaya. Napatulala naman ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Totoo ba ito?
Nakita ko na lang si mama at papa na inihatid ang mga bisita. Tumingin naman ako sa kapitid ako. “kurutin mo nga ako, baka panaginip lang ito” kinurot naman ako nito ng napakalakas. Napasigaw naman ako at tumingin sa kanya ng masama.
“Sabi mo kasi kurotin ka kaya kinurot kita” ang natatawang salita niya sa akin habang lumalayo ng dahan dahan. Tumayo naman ako at tinuro siya. “lintik ka! Bakit mo naman nilakasan? Hali ka dito kukutusin kita!” tumakbo naman ito at hinabol ko. Muntik ko nang mahawakan ngunit nakapasok na ito sa kanyang silid.
“Mamaya ka sa akin!” ang sabi ko habang hinahampas ang pinto. Narinig ko naman ang kanyang mga tawa. Padabog naman akong pumasok sa kwarto ko. Napahiga na lamang ako sa kama habang iniisip ang mga napag-usapan kanina. Ito na ba ang babago sa buhay ka? Ikakasal ba talaga ako sa taong pinapangarap ko? Matagaltagal rin akong nag d-daydream hanggang sa nakatulog na ako.
----------------------------------------------------------AN: Sorry po kung natagalan yung pag update ko huhuhuhu. I'm so busy kasi sa school ko, marami kasi kaming research paper na ginawa na suppppperrrr stresssdt talaga yung bangs ko huhuhu. Sana magustuhan niyo po ito hehehe. Malapit na tayo mag 400 readss! Thank you guys!<3
Sorry sa late update guyss huhuhu. Thank you sa pag support💓 TrexieJulian14 RonaldEstera daedaeland
BINABASA MO ANG
RS1: Mr. Queen
Сучасна прозаRoyal Series I [BXB] [MPREG] One of my greatest dreams is to become the Queen of this country, even though I'm gay. Hindi naman masama ang mangarap, 'di ba? Sabi nga sa mga nababasa kong stories, "let your dreams be your wings," kaya go lang tayo...