64 - Fall in love

316 13 0
                                    

Chapter 64

Sofia's POV

"Ano babe nagustuhan mo ba ang luto ko?", tanong pa ng boyfriend ko sakin. Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa bahay nya. Date baga.

Nagtataka pa ako sa sarili Kong bakit nalang ganito ang nararamdaman ko? Tila ba nangungulila ako sa isang bagay? Masarap naman ang mga luto ni Gintoki ngunit Hindi ito ang lasa na gusto Kong kainin.

Naalala ko pa nung ipinagluto ako ni Cyrus ng kaldereta. Sobrang sarap, hinahanap hanap ko ang lasang yun.

" Babe are you alright?", tanong pa ni Gintoki na may halong pag aalala sakin. Napalalim pala pag iisip ko kaya't di ko sya napansing nagtanong.

"Yes im fine babe", masigla ko pang sabi. Masigla kung tingnan pero ang tamlay ko kung tutuusin.

Bakit ganun? Namimiss ko si Cyrus. Yung pangungulit niya, pagsusungit, pagiging seloso. Yung mga sermon. At syempre yung mga halik niya.

Isang linggo na ang lumipas Simula nung nakalabas ako ng hospital. Dinalaw ko din si Zenaku na ngayon ay nagpapagaling na dahil sa bugbog na natamo mula Kay Sasori.

Kahapon din pinuntahan ko si Cyrus sa kompanya niya pero ang sabi sakin ay nasa ibang bansa ito. Naiyak pa ako habang papauwi nun.

Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon, Hindi ko nga alam ba't ko pa sya hinahanap ngayong Malaya na ako ?

Si Gintoki ang nasa harapan ko ngunit si Cyrus ang hinahanap ko

Alarcon Series: Obsession's TrapWhere stories live. Discover now