43 - Andrea?

376 17 0
                                    

Chapter 43

Sasori's POV

Agad akong sumalpak sa sofa sa sobrang pagod. Kagagaling ko lang sa pag oopera ng isang pasyente.

Dapat ngayon ay nagpapahinga pa ako kaso emergency.

Kung sana lang ganito kadaling gamutin ang pag ibig ni Maxhane sakin. Baka hanggang ngayon ay masaya kami.

"Ang ganda talaga ni Miss Lewis no?" , kwento pa ng isang nurse ko sa hospital.
Kasalukuyan kami ngayong nagpapahinga dahil galing kami sa operasyon.

"Oo nga e. Kaso 2 years na syang coma sabi nung lalaki na napakinggan ko", sagot naman ng isang nurse na ikinagulat ko. What? Coma? Si Andrea Lewis?

Dahil sa pagtataka ay agad Kong tinanong ang dalawang babae na ikinagulat nito.

Bawat tanong ko ay may sagot sila na ikinabigla ko. Kaya pala wala palagi si Doc. Migo ay ito mismo ang personal na nag aalaga Kay Miss Andrea na hanggang ngayon ay tulog pa.

Agad akong umalis at pinuntahan ang aking sasakyan para kompirmahin ang katotohanan.
May private hospital si Doc. Migo kaya di na mahirap sa kanya ang mag alaga ng pasyente nang Hindi namin nalalaman.

FASTFORWARD

Nang makarating ako sa Hospital ay agad akong pumasok sa loob. Medyo mahigpit pa Ang bantay buti nalang at Doctor ako at kaibigan ni Migo dahilan para madaling makapasok sa loob.

Habang hinahanap ang Doctor na pakay ko ay nahagip ng paningin ko ang isang kwarto  sa di kalayuan.

Tahimik ko itong  tinahak. Ewan ko ba kung bakit? Pero gusto Kong makita ang loob.

Nang makapasok na ako sa loob ng silid ay nanlaki nalang ang mga mata ko sa gulat ng makita kung sino ang nasa loob.

Si Andrea Lewis nandito. Pero sino yung Andrea na nasa labas?

Alarcon Series: Obsession's TrapWhere stories live. Discover now