Chapter 45:Attack

33 5 0
                                    

Chapter 45:Attack

Ella's POV

"Come on Ella,talk to me"-Sabi ni Prime sabay habol sakin sa paglalakad

"Pwede ba,wag mo muna akong kausapin Prime,naiinis ako sayo"-Sabi ko nalang sa kanya

How dare he question my decision

Nagalit pa talaga siya dahil lumaban ako

Ano bang ikinagagalit niya kanina?

Buwiset!

Mag-aalas-tres na ng hapon kaya naghahanda na kami sa pag-atake na sinasabi ni Mr.President

Nagbabantay na kami sa paligid ng bayan dahil ano mang oras ay magaganap na ang pag-atakeng Yun

Sinabihan nadin namin ang mga mamamayan na manatili lang sa mga bahay nila at wag silang lalabas kahit na anong mangyari

Pinapasok din muna namin sa ibang bahay ang mga pulubi

We don't want anyone to get hurt

Napakatahimik tuloy ngayon

Kami lang ang naglalakad sa kalsada

Mabuti nalang at may tiwala samin ang mga tao

Nandito kami ngayon sa entrance ng bayan

Walang ibang pasukan papunta sa bayan kundi dito

Kaya dito kami naghihintay ngayon

"Nag-away kayo?"-tanong bigla ni Naomi sa tabi ko

"Nino?"-tanong ko din

"Ni Prime,kanina mo pa kasi siya hindi pinapansin.Anong pinag-awayan niyo?"-tanong ulit niya

"Hindi kami nag-aaway"-Sagot ko nalang

Napakadami pang itatanong niyan Kung sasabihin ko yung totoo

"Wag ka ngang magsinungaling,alam Kong nag-aaway kayo"-Sabi padin niya

"Naomi,kailan ba kami nagkasundo ng isang yan?"-Sabi ko

"Sa bagay,nga pala Ella,may ibinilin si Tita Diana saking sulat.Sabi niya ibigay ko raw sayo.Ibibigay ko nalang sayo pagbalik natin sa Cora Mansion,nakalimutan kong dalhin eh"

Pagkatapos sabihin ni Naomi yun ay tumango nalang ako

Ayoko nang magsalita

Nakakapagod din kasi minsan

Diba?

Nakakapagod magsalita minsan

Napatingin naman kami sa langit nung biglang kumulog

Pagkarinig namin sa kulog ay saka din bumuhos ang malakas na ulan

Sh*t!

Umulan pa talaga eh no?

"Ella naman!Bakit mo naman pinaulan,ang lamig-lamig eh"-reklamo ni Naomi

"Hindi ako ang nagpaulan FYI.Si mother nature na Yan kaya tiisin mo yang lamig mo"-Sabi ko

Nilalamig din kaya ako

Naging alisto naman kaming lahat nung may mapansin kaming isang grupo na naglalakad papunta samin

Fearless:The Death LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon