Chapter 2:Cora Committee

412 28 28
                                    

Chapter 2:Cora Committee

Ella's POV

Hindi ko sinagot ang tanong sa'kin ni Tita Carla sa halip ay nag-isip ako ng mga posibleng dahilan kung paano nila nalaman.

"Ella?"-nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Nieves sa harap ko.

"May natanggap ka, hindi ba?"-ngayon ay si Tito Hans naman ang nagtanong.

"Oo, may natanggap nga ako."-Sagot ko sa kanila.

Pagkasabi ko nun ay may nakita akong bakas ng takot sa mukha ni Tita at Tito.

Ano bang problema nila?

Ano naman kung may natanggap ako?

"Paano niyo nga pala nalaman ang tungkol dun sa sulat?"-tanong ko.

Tumingin lang si Tito Hans sa'kin at tumingin din siya kay Nieves na parang nagsasabi na siya na ang magsalita.

Pinagmasdan ko lang si Nieves habang tinitignan niya ang mga magulang niya na parang nagtatanong sa mga ito.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Eh k-kasi, Ella, k-kasi...."

"Kasi ano?"

"Kasi... nakatanggap din ako ng sulat."

Nagulat ako sa sinabi ni Nieves. Ibig sabihin ay hindi lang ako ang pinadalhan ng sulat?

Ano ba ang kailangan ng Cora Committee sa'min?

"Hindi nga matatakasan ang kapalaran."-Sabi ni Tita Carla.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay biglang may nagsalitang lalake mula sa pinto.

"Dito ba nakatira si Nieves Gonzales at Ella Madrigal?"

Napalingon kaming lahat sa taong nasa pinto.

He is wearing a black coat with red hoodie. His eyes are cold and emotionless but at the same time, it's hypnotizing. Parang nakakaadik at nakakalasing kapag tinitigan especially that he is handsome. Medyo nadisturb din ako sa presence niya, I can sense that he is strong. Kitang-kita yun sa aura palang niya.

"Who are you?"-Tanong ni Tito Hans

"I asked a question first, so answer it before I'll answer yours."-walang emosyong sabi nung lalake.

"Dito nga nakatira si Nieves at Ella. Bakit? Anong kailangan mo sa kanila?"-si Tita Carla naman ang nagtanong ngayon.

"Pinapatawag sila ng Cora Committee."-cold niyang sagot.

Ngayon ay nakakasiguro na talaga ako na may kailangan ang Cora Committee sa'min.

Kailangan kong malaman kung ano yun.

"Paano kung ayaw naming pumunta?"-Tanong ni Nieves.

"Pupunta kayo, I'm sure of that." -Sabi niya habang tumitingin sa'kin na para bang sinusuri ang mukha ko. When I looked at his eyes again ay napaiwas nalang ako, parang nanghihigop.

"You have to go..."

Napatingin kami nang magsalita si Tito Hans.

"Tay, anong sinasabi mo?"-tanong ni Nieves.

Nagsalita rin bigla si Tita Carla.

"Nieves, Ella, you need to go. This is what you are destined for."

Fearless:The Death LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon