Piliin wag pilitin

5 1 0
                                    

Pinilit kong lumaban, Para sating dalawa. Pinili mong sumuko, sabi mo pagod kana. Naniwala ako kasi sabi mo 'yun ang totoo. Sabi mo tulog lang, paggising okay na. Bat paggising mo pinipili mo'y iba na.

Pinilit kong tiisin, kahit niloloko kona ang sarili ko. Nasasaktan ako dahil hinahagkan mo siya. Nagagalit ako dahil nilalambing mo siya. Wala akong magawa kundi magparaya at alalahanin nalang ang satin. Noong tayo pa ang masaya, ngayon kayo nang dalawa ang maligaya.

Pero 'di ko pinili ang sumuko, dahil mahal kita, maniwala ka. Pero bakit ganon? Pinili kita pero pinili mo siya.
Akala ko ba tayong dalawa, bat ngayon merong kang "siya?"

Pinilit kong maging masaya para sa inyong dalawa, kahit dimoko pinili sa pang habang buhay na pagsasama.

TULA-laTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon