"What time kayo mamaya?" tanong ko habang nagdadrive. Naka-videocall kami ngayon dahil ayaw niya na nagtetext ako habang nagda-drive. Ako rin naman.
"Around 4PM siguro para hindi na mainit. Bakit mo natanong, hon?"
I was thinking of visiting him. I never really watched him play. He mentioned before that he was a varsity player ng Engineering department, along with his friends. I asked him once bakit hindi siya sumali sa varsity ng university nila. Sabi niya ay dahil hindi priority ang mga board courses. Kinda discriminative, if you ask me. What makes them think na hindi kayang pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro. Sure, mahirap. But not that impossible.
Anyway, he and his friends always play basketball every Saturday doon sa court sa subdivision kung saan sila nakatira. Minsan ay rumerenta sila ng private court para raw maiba naman ang environment. And they're actually consistent. Bagyo at sakuna lang yata ang makakapigil sa kanila.
"Wala naman. Just text me where so I'd know where you are," sabi ko habang nagmamaniobra papunta sa mall. Bibili ako ng meryenda nila.
"Areglado, boss. Saan ka pala ngayon?" tanong niya. Sumulyap ako sandali sa kanya at nakita siyang nagbibihis. Naka-jersey shorts na siya ngunit wala pang suot na pang-itaas habang tinutuyo ang buhok. Kakatapos niya lang maligo.
"Mall. May bibilhin lang pero uuwi na rin ako," pagsisinungaling ko. I wanted to surprise him. He visits me at work most of the time. It's time I return the favor.
"Okay. Ingat ka. Love you."
"Love you," sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Bumili lang ako ng isang pan ng Italian spaghetti, dalawang box ng pizza at dalawang litrong coke bago napagpasyahang pumunta na sa kung nasaan sila. Sabi niya ay sa subdivision daw nina Red. Hindi naman iyon ganoong kalayuan sa mall, mga twenty minute drive.
Tumigil ako sa gilid ng kalsada kung nasaan ang court ng subdivision. Hindi naman mahigpit ang guard kaya hindi ako nahirapang pumasok. May dalawang kotse ring nakaparada—dalawang SUV. Isang kulay puti at isang kulay itim. I didn't see JJ's black Hilux so I'm guessing he just carpooled with his friends.
Bumaba na ako bitbit ang mga pagkain. Nakita ko silang naglalaro at pawisan ang mga katawan. JJ and Dave were half-naked. They were playing three on three and there was another one I didn't know. Probably one of the villagers.
Si JP ang unang nakakita sa akin.
"Gwen!" sigaw niya kaya naagaw ang atensyon ng lahat. Nakita kong nagulat si JJ pero bigla namang nawala iyon at napalitan ng malaking ngiti. Hindi inaasahan ang pagdating ko.
"Sana all binibisita ng girlfriend!" tukso ni Dave.
"Sana all my girlfriend muna," pang-aalaska ni Ryann.
Tinukso nila kami pero hindi ko sila pinansin. Sanay na ako sa kanila. Lumapit si JJ sa 'kin bago kinuha ang dala ko bago iniabot kay JP.
"Manager, oh," aniya.
"Hon. Hindi ko alam na pupunta ka!" natutuwang sabi niya. I'm happy that he was happy with my visit.
"Yeah," I shrugged.
"Grabe, ha. Hindi ka nagsabi. Is this surprise? Kasi na-surprise ako," natatawang sambit niya bago kumuha ng towel at nagsimulang magpunas ng katawan. I got the towel from him at ako na ang nagpunas sa kanya.
"Wait, kaya ka ba nagpunta sa mall kanina?"
"Yep," I said, popping the 'p'. "I thought I'd visit you. Bakit, ayaw mo ba?"
"What? Of course not," pagtawa niya. "Dalasan mo ang pagbisita mo para naman lagi akong inspired maglaro." Napairap ako sa kalokohan niya. Nakita niya iyon kaya lalo siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
That's The Way It Is (An Epistolary Novel)
Fiksi RemajaHe is the one I never I saw coming. ~Gwen ✴✴✴ Epistolary Series # 2 Sabi nila kapag may tiyaga, may nilaga. At naniwala siya roon kaya 'yun ang naging life motto niya. Kung hindi ka magpapapansin sa crush mo, hindi ka talaga mapapansin. Kaya 'yun ng...