Prologue

0 1 0
                                    

Tinignan ko sya mata. Nag susumamo na paniwalaan nya ako. Na hinding hindi ko magagawang lokohin sya.

"Babe maniwala ka naman oh,h-hindi ko a-alam pano nang--"

"Babe, WHAT?! "

tiningnan nya ako na para akong isang nakakadiring tao. He pointed his finger at me while greeting his teeth.

"Don't you f*cking call me, babe! Nakakadiri ka"

Napatakip ako sa bibig ko.Hindi ko alam ko pano ko ipapaliwanag sa kanya ng maayos. Hindi ko alam kong papaniwalaan nya ba ako. Sya nalang yung huling taong naniniwala sakin. Ayokong ganito. Ayoko.

Gusto kong mag salita pero nahihirapan ako. Parang may bumabara sa bibig ko. Hindi ko na alam pano i-dedefend yung sarili ko. Sa paningin ng marami, kasalanan ko. Ang asawa ko nalang yung maaasahan ko.

Sya nalang.

"B-babe--"

"Don't you f*cking call me that! Kailangan ko pa bang ulitin?"

"Magpapaliwanag ako b-babe--, jack hindi yun yung nangyari--"

"Tangina lara!  Pagkatapos mong sumama sa putanging ex mo sa hotel?gugustuhin mo pang maniwala ako? Ginagago moba ako ha?!"

Agad ng bumuhos ang mga luha ko kanina ko pa pilit pinipigilan. Ayaw na nyang maniwala sakin.Pano ko ba sya mapapaniwala? Parang hindi na sya ang lalaking minahal ko.Puno nang galit ang mga mata nya.Patuloy nang nag-iba ang paningin nya sakin.Kitang kita ko sa mga mata nya.Napaupo ako kama namin habang patuloy ang paghikbi ko.

"Here's the passport. You can have all our savings. Even the House, car, lot and the condo. You can have all of that. "

Dali dali akong tumakbo sakanya't niyakap sya patalikod. Umiyak ako sa likoran nya at mas hinigpitan pa ang yakap.Tama ba ang pagkakaintindi ko sa ginagawa nya? Sana hindi.Sana hindi. Jinojoke lang nya ako. Hindi totoo to.

"W-Wag mo gawin sakin to p-pleasee. P-please. Maawa ka. M-maawa ka. M-maawa ka"

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko nang sinubukan nya itong tanggalin. Mas humikbi pa ako nang mahalata talaga sa kanya ang galit nito.Umiling-iling ako dahil sa sinabi nang isipan ko. Parang... parang ayaw na nya sakin. Hindi... Hindii

"D*mn it lara! Put you hands off me! "

"No! No! No! No! Please. N-no b-babe please.B-babe please no. Wag mo gawin sakin to! P-pleasee"

Pilit nyang kumawala ako sa higpit ng yakap ko, pero hindi ko kaya. Naramdaman ko na pag nakawala ako, mawawala na sya ng tuluyan sakin. Ayoko. Mahal na mahal ko sya!

"Listen lara, I don't want you anymore. So put yourself together kasi iiwan na kita"

Malakas nya akong tinanggalan ng pwersa pagkatapos nyang sabihin yun. Nanghihina na ako.Hinang hina na ako.

Tama bayong pagkakarinig ko? Ayaw.. na nya sakin? bakit.. p-pano nya kay daling sabihin yun? Hindi. Hindiii

"P-pano nangyari yun jack?  Alam kong dala lang yan sa galit pero give me chance na magpaliwanag. Nagkakamali kayo, nagkakamali kaManiwala ka naman sakin jack,oh! Ikaw nalang ang meron ako jack! "

" I've never been this disappointed before! Sa tingin mo madali din sakin? Ilang beses na kitang sinabihan na wag ka nang magpakita don sa p*tanginang ex mo, pero..  "  Hinawakan ko sya para kumalma, kasi ganito sya eh. Kumakalma pag hinawakan ko. Pero winakli nya ito. "Pero anong ginawa mo? Yinakap at hinalikan mo pa sya! Tapos ngayon sasabihin mo saking wag akong maniwala? F*ck it! "

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Humahapdi na yung mga mata ko. Sumasakit na ang lalamunan ko. Nahihirapan na akong magsalita. Ang sakit sakit na nang puso ko. Ang sakit sakit na makitang parang ibang tao sya.Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Wala na yung pagmamahal na nakasanayan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang hirap makitang ganito sya. Ang hirap makitang ganito kami.Gustong gusto kong sabihin sa kanya na mali lahat ng paniniwala nya, pero ang hirap hirap ng magsalita.

Patapos na syang ipasok lahat ang mga gamit nya sa maleta. Ni-hindi ko na magawang pigilan sya, dahil sa hinang hina na talaga ako. Hikbi ko nalang ang tanging naririnig ko sa kwarto ng hindi na sya nag salita.

"As what I've said. Sayo na ang savings natin. Even the house, condo, sasakyan and lupa. I owe you that much"

"Ik-aw ang kai-langan ko! Hin-di ko kai-langan ang m-ga yan ja-ck! Sa-yo na la-hat yan, di-to ka la-ng sa ta-bi ko! "

Nakita ko syang parang nanlambot ang mukha pero napalitan rin ng galit kalaunan. Tinitigan nya lang akong naka upo sa sahig, wasted. Broken. Useless.

"M-mahal na m-mahal kita jack, wag mokong iwan. N-nagmamakaawa ako, b-babe. P-please"

I felt so helpless.

Pero mas hindi ko kinaya ang narinig ko pagkatapos. Para akong pinatay ng paulit-ulit. Parang mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa marinig mismo ang katagang yan mula sa kanya.

"Let's get divorce"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHISPER OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon