Flashback#3

262 8 0
                                    


                    (Flashback #3)

Yeey! It's my birthday, at pinapunta ko si babe dito sa amin. Di ko na sinabi kung bakit, alam ko namang alam na nya eh.

Promise nya pupunta sya kaya excited na ako...hihihi...

Simple lang birthday ko, yung family and friends lang.

"Andy, wala pa ba si vince?"

"wala pa po ma! Malapit na po siguro yun"

"oh, okay."

Andy tawag sa akin ni mama kasi nahahabaan daw kasi siya sa name ko.

-_- eh sino ba naman kasi ang nagsabing yun ang ibigay nilang pangalan sa akin.

Maikli lang kaya yung Andrea. TSS.

Ayun nga at lumabas muna ako para dun hintayin si babe.

10 mins. ang lumipas ay wala pa rin siya. ba't ang tagal niya?

I tried to call him pero di ko siya makontak. so i just texted him kung asan na siya.

Pero lumipas na rin ang 30 mins. wala pa rin siya.

"Andy, halika na. Wag mo ng hintayin si Vince. Nagugutom na ang mga bisita natin."

Sumunod nalang ako kay mama at nag-birthday ng walang Vince na dumating.

Ni-anino, text o tawag man lang galing sa kanya... wala akong natanggap.

Kinabukasan isa lang ang nasabi ko...

"He forgot the special day."

                                (End of flashback)

"I bet ang birthday mo kagabi ang iniisip mo."

napatingin ako kay Tin. nandito kami sa canteen kumakain.

di ko siya sinagot at muling tumungo at pinaglaruan ang aking carbonara.

*sigh*

Di ko alam kung bakit nya nakalimutan eh. Di ko alam kung bakit di na naman siya tumupad sa Promise nya. At di ko na rin alam kung ano ang dapat isipin.

"Masochist"

napatingin ako kay Tin.

Yeah! Masokista na kung tawagin pero ano magagawa ko? Mahal ko eh...

"Alam ko."

tanging sagot ko.

"Oh yeah! ang masikista kong pinsan. Tss. Kahit iniinda mo pa iyan isa lang din ang bagsak nyan. Ikaw at Ikaw pa rin ang masasaktan. 'Insan, why don't you talk to that Jean girl?"

"Para ano pa Tin? alam naman nating pareho na di lang ang pagiging bestfriend nya kay Vince ang habol nya."

"Kaya nga. Isaksak mo sa kukote nya na ikaw ang GIRLFRIEND. Kaya wag siyang feeling."

napahinto naman ako at napaisip sa sinabi nya.

"Unti-unti ka ng naaagawan Andrea. Di lang oras ni Vince para sa'yo... kundi pati na rin mismo ang BOYFRIEND mo. Kasi kung di mo nalalaman... BESTFRIENDS CAN TURN INTO LOVERS!"

        nagulat at bigla akong nanigas. Nakaramdam ako ng kaba... and at the same time Takot. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ayoko.

Hangang sa klase yun pa rin ang iniisip ko. Kung kakayanin ko ba o kaya ko pa ba.

Di ko na alam.

Kaya after class ay napagdesisyunan kong kausapin si Jean.

"Jean!"

tawag ko sa kanya ng kami nalang ang tao sa classroom.

"Oh, Andrea. Bakit?"

"Pwede ba... tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Gusto ko lang linawin sa'yo na Girlfriend ako ni Vince kaya pwede bang layuan mo na sya?"

"What? No way in the hell Andrea! alam kong ikaw ang Girlfriend pero di mo pwedeng idikta sa akin na layuan ang bestfriend ko."

"kaya nga eh, bestfriend ka lang pero bakit ang laki ng oras nya sa'yo kumpara sa akin?"

"Pwes wag ako ang tanungin mo."

aalis na sana sya pero muli syang humarap sa akin.

"Bago ko makalimutan, kaya hindi nakapunta si Vince sa inyo kagabi dahil nag-celebrate kami ng 3rd anniversary AS BESTFRIEND. Kinabahan ka noh? hmmm... nothing's special naman siguro kagabi sa inyo so i think okay lang sa iyo...but i also think hindi pa rin...kasi nga di ba naagaw ko ulit ang oras nya sa'yo."

 Nanggigil ako. Gusto ko syang sugurin at sabunutan.

"Umamin ka nga Jean, may gusto ka ba sa BOYFRIEND KO?"

"*GRIN* Panu kung sabihin ko sayong OO. May magagawa ka ba?"

        sabi ko na nga ba.

"what? haha..pero bestfriend ka lang at ako ang girlfriend dito. Isa ka lang hamak na BEST.FRIE--"

*PAK*

Napahawak ako sa right cheek ko. shit! sinampal ako.

"Oo bestfriend lang ako at ikaw ang girlfriend,pero tingnan mo naman diba...mas may oras pa sya sa akin na bestfriend nya kesa sa GIRLFRI--"

*pak*

Di ko na sya pinatapos at sinampal sya.

dahil masakit. at dahil tama sya.

"ANDREA!!!"

sabay kaming napalingon sa pinto.

GIRLFRIEND vs. BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon