Is it a happy ending?(part2)

362 8 0
                                    

Nakita kong may kinuha sila sa bulsa nila na isang handkerchief at binuklat sa harap ko.

At dun na talaga kumawala ang mga hikbi ko na kanina ko pa pinipigilan.

Dahil ang lahat ng hawak nila ay may nakasulat na 'I'm Sorry'.

Hikbi lang ako ng hikbi at di alam ang gagawin nang bigla silang tumalikod at parang may kung ano ang ginawa dahil yumuko yung iba at yung iba ay umupo.

Sisilip sana ako ng isa-isa na silang humarap at lumapit sa akin.

Binigyan nila ako ng flowers, yung iba ay loveletters sabay sabi ng 'Sorry daw' at yung iba ay binigyan ako ng chocolates sabay sabi ng 'wag mong kainin'

Matapos lahat ng binigay nila ay wala ng tao sa harapan ko...saka napadako ang tingin ko sa sahig.

Nagulat ako sa nakita ko.

Ang alam ko ay umiyak lang ako ng umiyak.

Di ko alam kung luha ba ito ng nasasaktan o tears of joy.

Nandun 'yung mga panyo sa sahig. Ang hula ko ay pinagdikit-dikit nila lahat ng panyo na dala nila sa sahig atsaka nabuo ang mga salitang di ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Ang salitang 'Mahal Kita Babe'

Napahinto ako sa pag iyak ng may nagsalita sa gilid ko.

"Di ko alam kung anong meron ka at mahal na mahal ka ng bestfriend ko. Na kahit pa na inamin ko na may nararamdaman ako na higit pa sa kaibigan sa kanya ay ikaw pa rin talaga ang pipiliin nya."

Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko ang lungkot sa boses nya.

"Tama ka nga. Naaagaw ko nga ang oras nya sa'yo...pero di mo alam na sa tuwing magkakasama kami ay ikaw lang ang bukambibig nya. Na kung ganu ka daw kaganda pag nakangiti, kung ganu ka ka-cute pag namumula at lalo na daw pag nagpout ka. Di mo rin alam kung ganu mo sya pinagseselos sa t'wing may ibang lalaki ang titingin at lalapit sa'yo. Ilan lang 'yan sa mga sinabi nya sa t'wing magkasama kami."

Humarap sya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Pareho na kaming umiiyak ngayon.

"Andrea, I am not gonna apologized to you for stealing his time for you but...i am really sorry because I'm the reason why you are in this situation. Sorry coz i give pain to the both of you. Pero andrea, kung alam mo lang kung ganu sya nasaktan sa tuwing makikita ka nyang umiiyak sa balcony ng kwarto mo. Hahaha...yeah, naging stalker mo sya at di mo rin alam kung ganu sya nasaktan sa tuwing iniiwasan mo sya sa loob ng isang buwan."

Napatulala ako sa mga sinabi nya. I don't know what to feel but i know in my deepest that......I'm happy!

"*sob* m-mahal ka na mahal ka nya Andrea. Pls. Give him a chance."

Chance? Should i?

Should i give him a chance?

"I know you still love him like Vince do."

Did he still love me?

Pero...

"Yeah. I still do love him...but he loves you now Jean."

"What? Hahaha...oh andrea, how i wish he would."

Napakunot naman ang noo ko sa kanya.

"Bakit hindi ba? di ba nga kalat sa buong school na kayo na?."

"So nagpapaniwala ka sa mga walang kwentang rumors na 'yan?"

"Y-you mean...?"

"Yap! Hindi kami. Oh ayan malinaw na ba? Just give him a chance. You know he never cheated on you...and you know you won't regret it."

GIRLFRIEND vs. BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon