01: PRANK

2 0 0
                                    

Dali-dali akong pumasok sa school ng may isang napakagandang ideya ang pumasok sa utak ko. HAHAHAHA!

Ano bayan, ang ganda ko na nga, ang  ganda pa ng utak ko. Ugzz gifted si me!!!

" JOYCEEEEE!!! FRIENDDDDDD!!!! " sigaw ko sa kahabaan ng hallway nang makita ko ang kaibigan ko.

  " GAGA HUWAG KANG SUMIGAW! " reklamo niya.

  " OH, BAKIT SUMISIGAW KA RIN?! " sigaw ko pabalik.

  " EH KASI SUMISIGAW KA E, HUWAG KA NANG SUMIGAW! "

  " HEH! MAY IKWEKWENTO AKO SA 'YO! " panimula ko.

  " ANO 'YUN? "

  " HOY ANO BA KAYO? WALA KAYONG PASOK?! " napatayo kami sa gulat nang magsalita ang teacher namin sa Science na napakasungit.

  " ME-MERON PO MA'AM, " si Joyce ang sumagot.

  " OH EH ANONG GINAGAWA NIYO RITO?!! "

With that, sabay kaming tumakbo ni Joyce papunta sa kawalan, lol. Pumasok na lang kami sa room para hindi kami mapag-initan.

" HOY ELEANOR! ANO BA 'YUNG SASABIHIN MO SA AKIN HAH?! PA THRILL PA ANG GAGA! "

 " TIGILAN MO 'KO SA KAKATAWAG NA ELEANOR BADTRIP KA! ELE SABI E! "

 " ABA AYAW MO SA PINANGALAN SA IYO NG NANAY MO HAH! ISUSUMBONG KITA KAY ALENG BETTY "

  " PAKYU KA! "

  " GAGA, PAKYU NA MAY KA PA. ANG TALINO MO FRIEND, PAK NA PAK! "

   " BAHALA KA NGA, HINDI NA AKO MAG CHICHIKA SA 'YO! " pagbabanta ko.

  " AY EDI 'WAG, GHORL WALANG PILITAN "

  " EDI 'WAG "

" ITO NAMAN HINDI MABIRO, OH SHA, SIGE KUNWARI MAY PAKE AKO. ANO BA 'YUN? "

 I will prank my friend.

"HOY TEH! JOWA KO NA SI ANO SI KYAAA!! SI ANOOO!! SI CRUSHHH!!! SI ASH! " pagsisigaw ko.

 "LOKA! YUNG ILANG TAONG MONG CRUSH JOWA MO NA? BUMALIKTAD NA BA ANG MUNDO?!! HALIKA PUPUNTAHAN NATIN SIYA PARA MAGKA-ALAMAN! " bigla akong kinabahan kasi prank lang naman 'yun.

 Hindi makapaniwala si Joyce sa balita ko sa kanya tinawag na niya lahat ng santo na alam niya para lang daw gabayan ako, siraulo.

 Syempre ako naman si gaga todo awat nung inaya na niya akong pumunta kela Ash. Prank nga lang e! Baka ipagtulakan ako ni Ash palayo, mamatay ang puri kooo!!! Huhuhuu

 Pero itong si Joyce na ipinaglihi ata sa kalabaw ay hindi ko mapigilan, ang lakas ba naman, hinatak ko na lahat ng pwede kong mahatak sa kanya para tumigil siya pero wala pa rin.  Pati nga panty niya muntik ko ng mahila eeeee!!!

" HOY JOYCE TUMIGIL KA NA! HUWAG MO NG GULUHIN ANG BABE KO! "

  " BABE YOUR FACE. MAGSUSUNTUKAN MUNA KAMI. CHICS BOY IYON, ELE! GAGA KA BA? BAKIT KA NAMAN NAGPA-UTO "

  " RENDAHAN MO 'YANG PURI MO, JUSKO! "

At hindi nga nagtagal ay nakarating kami sa bahay nila Ash. Sumabit pa si Joyce sa gate para lang subukan kong makakapasok siya.

 Si gaga akala mo kalahi ni Tarzan e.

"HOY ASH LABAS!" sigaw nya sa bahay nila Ash.

"ANONG KAILANGAN NIYO AT NAGSISISIGAW PA KAYO?" seryosong niyang tanong kaya kinabahan ako.

" JOWA MO RAW 'TONG KAIBIGAN KO?  BAKA PINAPAASA MO LANG 'TO SA WALA O PINAGTRITRIPAN AHH! " seryoso ring sabi ni Joyce.

" ASH BEBE HUWAG MONG PAKINGAN ANG PINSAN NI TARZAN. PASENSYA KANA LALAYAS NA KAMI. "

Ugz, may lahi ata kaming artista, pakshet ang galing kong umarte!

" 'DI KO SIYA PINAGTRITRIPAN O PINAG LALARUAN. MAHAL KO KAIBIGAN MO, MAHAL KO SI ELEANOR " kyaaahhhh!! Tekaaaa!!! Legittttt?!!!!

 Pero teh! Nahiya ako sa pangalan ko, ano ba naman 'yan bebe ko, Ele na lang huwag na Eleanor!

 Dahil sa kaba at gulat ay nasabi ko ang sekreto ko.

" PRANK LANG 'TONG GINAGAWA KO SA 'YO JOYCE. TOTOO BA 'YUNG SINASABI MO ASH? " umaasa kong tanong.

Binatukan ako ni Joyce ng sabihin kong prank lang 'yung kanina.

" PRANK LANG DIN, SINABAYAN LANG KITA. MAY JOWA AKO, TANGA," sabi nya.

 " KARMA IS A BITCH! ANG SARAP NG SAMPAL NG KAPALARAN 'NO? " pang aasar ni Joyce sa 'kin saka tumawa nang tumawa.

........................................................................
ChaosAthenaDens

EUPHORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon