" Nina! Tara Jabe! "
" Ayan ang gusto ko sa iyo mareee! O sha tara! Teka sino ang kasama natin? " I asked Liam, my guy friend.
" Of course ako, nakakasakit kana ha. Nandito ako, tapos maghahanap ka pa ng iba? " Umakto pa itong nasasaktan kaya mahina ko itong binatukan.
" Napaka-oa mo, alam mo 'yun? Tara na, " at inakbayan ko siya. Naglakad lang kami dahil malapit lang din naman ang kakainan namin.
" Anong gusto mo, Nina? Ako na o-order "
" Kahit ano na, nakakahiya. "
" Ilabas mo si Nina ko na walang-hiya, nasaan na!? Ilabas mo, impostor! "
" Gaga ka talaga! Public place 'to baliw! " Pero wala siyang pag-aalinlangan sa pagtawa nang malakas. Naglabasan ang dalawang dimples niya, at dahil nga maingay siya, napunta sa amin ang atensyon ng lahat.
" Hoy ang gwapo besh! " narinig kong komento ng babae sa likod ko. Aba'y gwapo naman talaga si Liam Co! Maputi, matangkad, mahaba ang pilik mata, bagsak ang itim at straight na buhok, grabe, ang gwapo nga!
" Liam Co, tumigil kana! "
" Ang jejemon ni ate girl, Liam ko niya raw. Ang gwapo sana ni kuya eh, kaso ang pangit ng callsign sa kanya. "
Aba't pwede pala rito ang mga tanga!?
Tumayo ako at handa na siyang awayin nang pigilan ako ni Liam, nagpipigil ito ng kanyang tawa dahil sa mukha ko.
" Kakain tayo, Nina, hindi makikipag-away. Ang cute mo, " saka pinisil nito ang pisnge ko. Grabe na talagaaaa! Nakatayo kami kaya kitang-kita ng lahat.
" Baka ipa-ban ka nila tungaw! Gusto ko pa naman dito. "
" Edi magpapatayo ako ng sarili kong Jabe para lang sa iyo, '' then he winked at me. Napatili naman ang iba.
" Impakto manahimik kana! "
Bahagya ko siyang itinulak papunta sa counter para matapos na lahat ng ginagawa niya, nakakahiya na kasi. Pati mga crew rito nakikichismis na! Akala ko ang ipinunta namin dito eh pagkain, bakit parang isang live teleserye na!?!
Bumalik siya sa akin, at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
" Oh anong nginingiti-ngiti mo?! " inirapan ko pa siya.
Ang tatag ng apdo mo, Nina! Ikaw na nilibre ikaw pa nang-aaway. Ipagpatuloy mo ang katangahan na 'yan.
" Wala lang, I wonder kung bakit wala ka pang boyfriend. Tomboy ka ba ha, Nina? " nagulat ako dahil sa biglang paglapit ng mukha niya sa mukha ko! Ramdam na ramdam ko ang paglaki ng dalawa kong mata dahil sa ginawa niya.
" Ga--tarantado! Anong tomboy anak ka ng tinapang walang ulo! " pero tinawanan lang ako nito.
" Bakit nga? "
Bakit nga ba?
May tatlo na akong naging ex, lahat sila ipinagpalit ako sa may malaking hinaharap at pang-upo. Hays, ano ba naman ako? Maganda lang sa mundo si Nina Gabriela.
" Kung iniisip mo kung kailan uulan ng pera, mag-isip ka ulit bukas. Hoy! " sinamaan ko agad ng tingin si Liam.
" Tsk, epal amp. Ayaw ko sa lalaki, ayaw ko ng jowa. "
" Ayaw sa lalaki pero kasama mo ako, so ano ako? "
" Bakla, " pareho naming tinignan nang masama ang isa't-isa, siya naman ang unang nagbaba ng tingin.
" Gara mo, hindi ako makatagal ng pag-away sa iyo. Pasalamat ka talaga... "
" At bakit at saan ako magpapasalamat, Liam Co!? "

BINABASA MO ANG
EUPHORIA
AcakIn a world covered with sadness, sorrows, and regrets; a smile can lighten up the mood. This is the haven of happiness, and I call this EUPHORIA. Welcome to the world of happiness, my dear. I hope my stories can plant a smile on your face:) ChaosA...