JENICA'S POV
Maaga akong nagising ngayon araw wanna know why? Wanna know when?! Charouughhhttt! HAHA! Well, first day of school ngayon kaya naman pagpatak pa lamang ng alas singko ng umaga ay binulabog na ako ng aking Cellphone na siyang nagsilbing alarm clock ko.
Mabilis akong bumangon at inayos ang aking kama saka pumunta sa aking aparador na nasa gilid ng pintuan saka kinuha ang susuotin kong uniporme.
"Hays...nakakaexcite!" Pagkausap ko pa sa sarili ko at tumalon talon habang hawak-hawak ang nakahanger ko pang uniform.
Ipinatong ko iyon sa aking kama kasama ang pares ng medyas at ang susuotin kong black shoes saka mabilis na nagpunta sa banyo upang magsipilyo at maligo.
Mabilis ang bawat galaw ko dahil sa sobrang excitement. Dali-dali akong lumabas at ipinalupot ang twalya sa mahaba kong buhok para hindi ito tumutulo. Inilagay ko sa marumihan ang madumi kong damit na nasa gilid ng pinto ng CR saka lumabas at umupo sa gilid ng kama.
Naglagay muna ako ng lotion saka sinuot ang aking uniporme saka nagmedyas at nagsapatos. Tinanggal ko ang twalyang nasa ulo ko saka ako nagsuklay sa harap ng salamin na kasing laki ko.
"Woaaahhh! Ang ganda ko talaga!" Ngiting ngiti na papuri ko sa sarili ko. "Lahat ata ng damit na suotin ko ay bagay sa akin. Hay nako ang hirap maging maganda." Saad ko pa saka nagsuklay at naglagay ng polbo sa aking dibdib at tinaktak ang polbo sa aking likod saka nagspray ng pabango mula sa leeg, sa balikat, sa pulsuhan, sa tyan, sa palda maging ang aking sapatos at bag ay pinabanguhan ko na.
Napangisi ako sa sarili ko sa harap ng salamin at kumuha ng hikaw sa drawer ng side table ko saka iyon isinuot pati ang relong regalo sa akin ni Kuya noong Birthday ko.
Ibinalik ko sa pagkakasampay ang twalya ko at mabilis kong kinuha ang backpack kong kulay blue saka lumabas sa kwarto.
"GOOD MORNINGGGGG!!!"
WAHAHAHAH! Halos mapatalon pa si Mama sa sobrang lakas ng sigaw ko.
"Ano ba naman 'yan anak! Ulit-uli nga ay bumati ka ng hindi ka nakasigaw! Ginugulat mo ako! Muntik ko pa tuloy mabitawan itong hawak kong mangkok!"
Nginitian ko na lang si Mama ng sobrang laki saka tuluyan ng bumaba sa hagdan. Umupo na ako at humarap sa lamesa na ngayon ay kasalukuyang hinahanda ni Mama ang mga kakainin namin.
"Jhenerick! Ano ba?! Anong oras na huwag sabihin hindi ka pa bumabangon diyan?!" Bulyaw ni mama sa hagdan kung saan nandon ang aming mga kwarto.
"Ito na po, ma! Ang aga-aga pa eh!" Dinig ko pang reklamo ni kuya habang pababa ng hagdan at umupo sa tabi ko.
"Aba sumasagot ka pa?! Para sabihin ko sa'yo, Jhen-jhen, alas-sais na! Kakain pa kayo!"

YOU ARE READING
Power of Love
أدب المراهقينJenica Dennis, ang babaeng mapapadpad sa isang eskwelahan kung saan mamimeet niya ang kaniyang magiging mortal enemy na si Vanz Guerre at kaniyang magiging kaklase. Ano kaya ang mangyayari sa huling taon nila sa High School? It's between two young...