7

931 20 4
                                    

It had been days since the almost-rape incident happened.

Matapos ang ilang araw ay wala pa ring ipinagbago si Dione. It was like every time na mapag-iisa siya, bumabalik lahat ng nangyari sa kanya. What she dreaded the most is when she realized that she's still powerless.

All along, ang buong akala niya, kaya niya na ang lahat. Akala niya, she can overrule men. But she was so wrong. Dahil kahit bali-baligtarin niya man ang mundo, 'di pa rin magbabago ang katotohanang babae siya, walang-wala siyang laban once na gamitin ng mga lalake ang physical strength laban sa kanya.

Napabuntong-hininga siya sa loob ng office niya bago tiningnan ang malaking wall clock na nakasabit sa pader.

3:05 pm.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam ang pamilya niya sa sinapit niya. Ultimong ang bestfriend niyang si Alexa ay walang kaide-ideya sa kademonyohang ginawa ng ex nito sa kanya.

Magsisimula na sana siyang pasadahan ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa nang biglang pumasok si Alexa sa loob ng opisina niya. Malawak ang ngiti nito, namumula-mula pa ang mga pisngi na para bang hindi man lang ito na-heartbroken nang mga nakaraang araw. Para pa nga itong lumulukso-lukso na animo'y isang bata na nabigyan ng kung anong reward.

"Andito ka?" mabilis pa sa alas kwatrong tanong niya nang umupo ito sa harapan niya. Hindi muna sumagot ang kaibigan, bagkus ay tiningnan lang siya nito na para bang isa siyang taong may malalang sakit.

"God, Dione! Nakita mo ba ang sarili mo bago ka pumunta rito? Look at you, visible ang dark circles sa ilalim ng mata mo, ang laki pa ng eyebags mo. And oh my gosh, what are you wearing?" taas-kilay na bungad sa kanya ni Alexa habang nakapameywang.

Naidako naman ni Dione ang tingin sa suot niyang damit. Isa lamang kasi iyong simpleng tshirt na nakuha niya sa walk-in closet niya na tinernohan ng maong na kupas at isang flat shoes lamang ang sapin ng kanyang paa. Malayong-malayo sa edgy niyang postura.

"May lagnat ka, Dee?" Hinawakan ng kaibigan ang noo niya at pagkatapos salat-salatin ang noo niya ay muli na naman itong umupo at nagsalita, "Wala ka namang lagnat. You know what, you're so weird today."

Matapos marinig ang sinabi ni Alex, 'di na napigilan na pandilatan ni Dione ang kaibigan. "Mas weird ka. Ba't ang hyper mo?"

"Eh ba't ang taray mo?" sabat naman ni Alex.

Umiling na lang si Dione at tumayo. "Matagal na akong ganito," mataray na sagot niya habang naka-cross arms. Tumayo rin ang kaibigan at nakipagsubukan ng tingin. Hindi naman niya ito inurungan at hinamon pa ng titigan ang kaibigan.

Maya-maya pa ay nakita na lang ni Dione ang pagkibit-balikat ni Alexa na huminga muna nang malalim bago tumakbo papalapit sa kanya at excited na yumakap. "Ang saya-saya ko, Dee. Sobra! I'm so happy," ngiting-ngiting turan ni Alex.

Nangunot naman ang noo ni Dione sa narinig. It's not that she doesn't want her bestfriend to be happy, but as of the moment, she can't find any reason to be cheerful. Lalo na't alam niyang heartbroken nga ito sa hinayupak na si Clyde.

"Eh ba't ka ba masaya? Nanalo ka sa lotto?" sarkastikong tanong niya. Nakangiting umiling lamang si Alexa bago ipinagdikit ang dalawang palad na parang nagdadasal pa.

"Natupad na ni God ang hiling ko."

"Anong hiling ba?" walang kaide-ideyang tanong ni Dione kay Alexa. Hindi niya maintindihan kung slow poke ba siya, lutang o talagang hindi pa talaga nagkwe-kwento ang kaibigan sa mga pangyayari sa buhay niya.

"Bati na kami ni Clyde! Kami na ulit!"

Hindi na naisipan ni Dione ang sunod na ginawa. Walang kaabog-abog niya na lamang na nasampal ang kaibigan. Pagkatapos niyang masampal ang kaibigan ay hindi niya na rin napigilan ang maluha dahil parang delubyong bumalik sa isipan niya ang kababuyang pinaggagagawa ng lalake.

"Why did you slap me?" maluha-luhang tanong ni Alexa. Mabilis na pinunasan ni Dione ang mga kumawalang luha. Ayaw niyang makita ng bestfriend niya na umiyak siya.

Hindi siya nakasagot. Hindi niya alam kung paanong sasabihin sa kaibigan na walang kwenta ang boyfriend nito. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag na hindi na dapat ito nakipagbalikan kay Clyde. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang lahat gayong sa oras na masabi niya ito, alam niyang masasaktan at masasaktan si Alexa. Kitang-kita niya sa kaibigan na hulog na hulog ito sa Clyde na 'yon. At alam niyang sa oras na sabihin niya ang nangyari sa kanya ilang araw na ang nakakaraan, masasaktan na naman ang kaibigan. At 'yon ang isa sa mga pinaka-ayaw niya, ang makitang nasasaktan ang lokaret na kaibigan. Kahit lagi niya itong binubully, ayaw na ayaw niyang umiiyak ito.

"G-gusto ko lang," wala sa wisyong sambit niya at itinuon ang paningin sa chandeleir na nakasabit sa kanyang opisina.

"May tinatago ka ba sa 'kin, Dee?" umiiyak na tanong ni Alex. Napabuntong-hininga na lamang si Dione bago tumingin sa kaibigan na ngayon ay basang-basa na ng luha ang mga pisngi. Kahit kailan ay 'di niya pinagbuhatan ng kamay ang kaibigan. Ngayon pa lang. Kaya naman hindi na nakapagtataka na ganito ang reaction ni Alexa.

"Iwanan mo na si Clyde," utos niya nang wala sa loob. Kitang-kita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ni Alexa.

"Iwan? Why would I leave him? And what the hell are you saying? You have no fuckin' right to tell me what to do, to command me who to love. And for God's sake, Dione, stop acting like you know everything. Palagi kang ganyan, kala mo naman kung sino ka na! You don't even know Clyde," malamig na sagot ni Alexa sa kanya. Narinig niya ang tunog ng mga takong nito na papalayo sa kanya. Dali-daling tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Pinaka-ayaw niya sa lahat ang tinatalikuran ng mga taong pinahahalagahan niya.

"You don't know him, Alexa. Sa 'ting dalawa, ikaw ang hindi nakakakikilala sa kanya," malamyang turan niya. Hindi niya na napigilan ang humikbi. Napaupo na lamang siya sa swivel chair habang nakayuko. Ilang segundo pa ay narinig niya na lang na bumukas at sumara ang pinto ng opisina niya. Alam niyang umalis na si Alexa.

Ngunit nang idinako niya ang tingin sa pintuan ay nakita niya ang kaibigan na nakatayo.

"You're wasted. Hindi pa kita nakitang nagka-ganito," turan nito. Dahilan para mas maluha si Dione. Ang akala niya kasi'y iniwan na rin siya ng kaibigan. At dahil do'n ay napagdesisyunan niyang sabihin na ang lahat sa kaibigan, kahit alam niyang masasaktan lang ito sa isasambulat niya.

"Look, Alex...I have to tell you something."

"What is it?"

"Naalala mo 'yong huli kong punta sainyo? Naalala mo ang pinangako ko sa 'yo?"

"Oh, 'yong ipaghihiganti mo ako kay Clyde?"

Tumango si Dione. Tahimik lamang siyang tiningnan ng kaibigan. Magsasalita na sana siya nang bigla na namang nagbadya ang mga luha sa mata.

"What happened, Dione?"

Natigilan siya. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin ang dapat niyang sabihin. Napalunok siya bago tumingin nang seryoso kay Alexa.

"Nagkita kami sa Cavern, we had a dinner. I think he put something on my drinks, nahilo ako. When I woke up, I was already inside a locked warehouse. And he almost..."

"What did he do?"

She reached for her bestfriend's hand and gave it a light squeeze before looking unto Alexa's wide-opened eyes. "He almost raped me."

---

Author's Note: Merry Christmas! Happy new year! Haha. Happy Valentines. At dahil March na, happy graduation na rin! Tagal-tagal nang naka-tengga ng TBF. Omyy. And I'm trying to search for the drive to write it. Fortunately, I was able to extract something from my blank mind. Hahaha. Bawi ako sa next chapter. Pakiramdam ko eh magiging maganda na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Best FlirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon