"W-Where am I?" I whispered with fear, trembling. A paper blocked my view. I turned my gaze to someone at my side. He smiled at me. He had curly hair, greenish eyes, thick and long eyelashes, thick eyebrows, long nose, pouted lips, and well-formed jaw. He pointed at the paper he was holding. I turned my sight at it and saw that there was something written.
'Autre Monde'
"That's where you are right now," he said.
Hearing the name of this unfamiliar place made my heart skipped a bit and pounded faster. The rumbling thoughts and chaos emotions made me feel weak. Parang nanghina ang tuhod ko at basta-basta na lang umagos ang mga luhang nagpapahiwatig ng aking nararamdaman.
Mama? Papa? I'm very afraid right now. Help me... please.
Napaupo ako sa aking kinatatayuan at tinakpan ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. Naramdaman kong may pumatong na kamay sa aking balikat. Itiningala ko ang aking ulo at nakita ang nag-aalalang mukha ng lalaki. Biglang humupa kaunti ang aking naramdamang kaba.
"Don't worry. I'll help you to go home. Let's find ways, okay? Sa ngayon, magpahinga ka muna. Please, trust me," sabi niya habang nakaupo katulad ko at nakapatong ang isa niyang kamay sa aking balikat. Dahan-dahan akong tumango. Ngumiti siya at tumayo. He handed me his hand. Inabot ko iyon habang inalalayan niya akong tumayo. Binitawan niya lang ako nang nakatayo na ako. I faced him.
"Thank you," sabi ko at tumalikod. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob nang bigla niyang hawakan ang aking pulsuhan.
"Wait." Lumingon naman ako sa kaniya. Inilahad niya ang kaniyang kamay na nakahawak kanina sa akin.
"I'm Rish, spelled as Ri-che," pagpapakilala niya. I smiled. Inabot ko ang kaniyang kamay.
"Mallory," I introduced myself as well.
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Ang mga tao'y nakaupo't naghihintay sa'min sa sala. When they saw me entered the house with Riche, their face enlightened. Agad na tumayo ang isang babaeng nasa 40s na siguro ang edad. Her goddess-like beauty was still painted on her face. She had a slender body and was tall. Her brown curly hair suited on her light skintone. She went at me and held my both shoulders.
"Are you hungry? What do you want? I'll cook it for you," she said with a worried face.
"A-Anything," nauutal at mahinang sagot ko. Tumango siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. She turned around para magpaalam sa iba.
"Magluluto muna ako, ha?"
"Formosa, maybe, we'll get going now. We'll just check her again tomorrow," paalam ng doktor.
"Kain muna kayo," pag-aaya ng babaeng nagngangalang Formosa.
"Ayy, hindi na. May gagawin pa kami," sagot naman ng doktor.
"Sige-sige. Maraming salamat sa inyong dalawa," pagpapasalamat naman ng babae.
"It's our job," nakangiting sagot ng kausap. Tumayo na ang doktor at nurse, at ngumiti sa amin bago lumabas. Lumingon naman ulit sa akin ang babae, the named Formosa, at nagpaalam nang magluluto.
Umalis na siya sa aking harapan at pumuntang kusina. Inalalayan ako ni Riche papunta sa upuan. Pinatabi niya ako sa babaeng una kong nakita rito. She smiled at me and held my hand. I looked at our hands and looked at her again, she was still smiling.
"You don't need to worry. Tutulungan ka namin," she assured. I just smiled and nodded.
"You can be friends with us," singit ng kaniyang katabing lalaki.
"I'm Vero Bonami," pagpapakila niya at inilahad ang kaniyang kamay. I held it and shaked our hands.
"I'm Mari Kley Pas Vrai," pagpapakilala rin ng aking katabi at inilahad niya rin ang kaniyang kamay. Inabot ko rin at nag-shake hands kami. Tumikhim si Riche na katabi ko kaya napalingon kami sa kaniya.
"Maybe, I should tell my whole name, too," sabi niya habang nakatingin sa akin ang kaniyang maberdeng mga mata.
"Rish Bun Bufwa. Ri-che Bon B-e-a-u-f-r-o-i-d. " He spelled it to make it clear. I giggled. I smiled at him and turned my gaze on the other side.
"I'm Mallory. Mallory Pandora Brayden," pagpapakilala ko rin at inilahad ang aking kamay katulad ng ginawa nila kanina. Napatawa ako nang mag-unahan sina Vero at Kley sa pag-abot ng aking kamay.
"Sorry for that, Lory."
"Nah. It's okay, Kley. Hahaha!" We giggled at each other. Parang nagkasundo kami kaagad.
"Ano ba 'yan? Gusto ko rin!" Napalingon kami kay Vero nang marinig namin siyang magsalita. Napatawa kaming dalawa ni Kley nang makita naming naka-pout siya. Hahaha!
"Epal ka talaga kahit kailan," pang-aasar ni Kley kay Vero.
"Kapag inggit, pikit," sabi naman ni Vero.
"Advice mo sa sarili mo," panunupalpal naman ni Kley.
"D'yan nagsimula ang love story ng lola't lolo ko," singit ni Riche sa kanila. Napalingon ako sa kaniya na natatawa. Tumatawa naman siyang tumingin sa akin.
"Huwag kami, Bun. Baka kinuwentuhan tayo ng lola mo?" pahayag ni Vero. Tumawa na lang kaming dalawa ni Riche. Naputol lang ang kanilang asaran nang tawagin na kami ni Aling Formosa.
"Hali na kayo, kakain na." Tumango kaming apat at tumayo. Sumunod kami sa kaniya papuntang kusina. My eyes twinkled and my stomach growled when I saw the foods served on the wooden table. May carbonara, buong ham, sliced watermelons, apples, at grapes. May orange juice din na nasa pitsel. Umupo kami kaagad at excited na kumain. Magkatabi kami ni Riche habang kaharap ko si Kley na katabi ni Vero at nasa gitna namin si Aling Formosa.
"Nagpapakilala na ba kayo sa isa't isa?" tanong ni Aling Formosa sa kalagitnaan nang pagkain namin. Tumango lang kami kasi nasarapan kami sa aming kinakaing carbonara.
"Oh, ano palang pangalan mo, iha?" Tumingin ako sa kaniya kasi sigurado akong ako ang kaniyang kinakausap.
"Mallory Pandora Brayden po," sagot ko. Tumango naman siya.
"Just call me 'Mama Formosa', ha?"
"Okay po."
Pagkatapos ay bumalik na ulit kami sa pagkain. Walang umimik dahil busy ang bawat isa sa pagsubo ng carbonara. Masarap naman kasi. Sakto lang ang pinag-combine na cheesy and meaty taste. Nang biglang may pumasok sa aking isipan ay lumingon ako kay Mama Formosa.
"M-Mama Formosa?" nauutal kong tawag sa kaniya sapagkat hindi pa ako sanay. Tumingin naman siya sa akin na nakangiti.
"Uhmm... p-pwede po bang pumunta tayo roon sa lugar kung saan niyo ako unang nakita?" tanong ko. Nakangiti siyang tumango.
"Sure." Ngumiti naman ako at itinuon ulit ang pokus sa pagkain.
Baka sakaling mahanap ko ang kasagutan ng aking mga tanong sa lugar kung saan din ako nahanap.
YOU ARE READING
A JOURNEY TO AUTRE MONDE
RandomA story depicts a world where people are divided not by the common richness or wealth we used to know, but by the rich of their heart. What if one day, you'll wake up being in that world? Will you stay or learn what you can use in the world you were...