GLIMPSE
"Raine, anak nag sabi sakin si Mama mo, uuwi raw siya ngayon. " sabi ni Papa na ngayon ay nag iinom na naman ng alak kasama ang mga barkada niya. Simula kagabi pa sila nagsimula pero hanggang ngayon ay hindi parin sila tapos.
"Okay po Pa," tanging sagot ko nalamang sa sinabi nito. Dumiretso ako sa kusina at inilapit ang upuan saka tumuntong dito para kumuha ng makakain sa kaldero.
Sa isiping uuwi si Mama mamaya ay nakaramdam ako ng kasiyahan pero.. Sumilip ako sa transparent glass na tanging harang ng kusina at sala ng kabayahan. Nandoon si Papa nakikipag kwentuhan at tawanan sa mga kabarkada niya. Nagkalat din ang mga basyo ng bote, mga balat ng chichirya, upos ng sigarilyo at kung ano-ano pa sa sahig. Panigurado kapag naabutan ito ni Mama ay mag-aaway na naman ang dalawa.
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa kinakain.
BINABASA MO ANG
WORDMONGER SERIES #3: Abandoned Words
RandomWORDMONGER SERIES #3 🦋 At such a young age, Reinne Valeria starts to wonder why people tend to break promises they made. They get your hopes up but in the end they'll abandon you alone. She always thinks it's okay. Sanay na siya, wala namang bago...