Sya

4 3 0
                                    

"Ishoot mo! Ishoot mo! Ishoot mo ang ball. Hahahahaha!!!"


Napairap nalang ako sa dalawang lalakeng to. Sa pagkakaalam ko mga Junior Student itong mga kalaban nila so panong isa dito ang tinutukoy ng batang yun? Aishhhhhh! Napapaisip tuloy ako bigla.



"Hanep dre! Kahit ngayong may laro kami hindi mo pinalampas hahahaha! Napaghahalataan ko na kung sino yan dre ah!! Kakatapos lang ng game may nasulat ka na agad!! Iba talaga pag inlove hahahahaha!"





"Hahahahahaha!!!" at nag apir pa talaga ang dalawa.



Napabuntong hininga nalang ulit ako.




Alam kong kanina pa ako pinagtitinginan ng mga studyante hindi ko lang sila tinitignan.


Anong silbi kung mag eexplain ako? Alam ko namang walang maniniwala eh. Ito ngang dalawang tukmol na to paniwalang paniwala na ako ang sumulat nun eh yung iba pa kaya?



Umupo nalang ako sa bench.



"Dre baka ibang team ang icheer mo sa susunod ah! Hahahaha" tawa tawang sabi ni Lemon. Inirapan ko nalang sya.


"Tsk"





Isang linggo palang ang lumilipas nung election ng student council tapos ngayon ay nag pra-practice para sa foundation week, next next week.

Natuwa na ako nung isang linggong hindi na nagsusulat sa account ko yung batang yun eh tas kanina biglang sumulpot amp.




Ang galing kasing magtago nung batang yun. Buong gabi ko na syang hinintay nung nakauwi ako tas natunugan ata na umuwi ako. Aba't nag sleep over sa kaklase amp.




"Dre papalapit na si........" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ken.




May lumapit sakin na basketball player at base sa suot na jersey nya. Kalaban sya nina Lemon. So kalaban namin sya.






"Ahm hi?" nahihiya nyang sinabi napakamot pa sa batok. Nakataas parin ang kilay ko.





"I-im Kiro. Ahmmm....." Napairap ako sakanya. Nahihiya ba sya sakin? What the fudge? Ano bang problema nya? Biglang sumulpot sa harapan ko eh.



Naririnig ko yung ibang studyante tumitili. Nagbubulongan? WTF!



"..... Ako ba yung tinutukoy mo sa post mo?"




Napaubo ako sa sinasabi nya!!!!!!




What???????!!!!!!





Sya??? Di ko nga sya kilala eh??? Sino ba tong batang to at naligaw ata amp???








Nakarinig ako ng kantsawan sa ibang studyante mas lalong lumakas ang tili.






Wala bang teacher sa paligid dyan?




Tsk.

Di ko kaya kakapalan ng face niya promiseeeeee.

"Hindi ikaw, Sya." turo ko sa lalakeng nakaupo lang sa bench at busyng busy na nagtatype sa cellphone. Basta nakita ko syang naglaro kanina eh.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon