Palabas na sana ako sa library.
Humihikab pa ako dahil kakagising ko lang nun.
"Magpasalamat ka pa nga sana kung di ako pumayag na maging tayo. Hindi ka pa talaga magkakajowa! Sa mukha mong yan?" napakunot ang noo ko.
Parang nakita ko na ata yung lalake. Hindi ko lang matandaan? Ewan bahala sila.
"At salamat sa mga essay na ginawa mo ha. Ang tataas ng grades ko. Break na tayo! Ang pangit pangit mo pa! Kung hindi lang sa essay hindi ako papayag na maging tayo no." napailing nalang ako sa narinig ko.
Tibay din ng mukha nung babaeng yun.
Nagising ako bigla. Anong klaseng panaginip yun?
Pero parang nangyari na yun eh. Ewan nakalimutan ko na. Parang nakita ko na rin yung lalake. Nahhhh bahala na nga. Paki ko ba sakanila? Tsk.
BINABASA MO ANG
Crush
ПоэзияNoong hindi ko sinasadyang ikaw ay makita Noong biglaan lang ang lahat, yung napalingon lang at andyan ka pala Noong ewan bakit nga ba napapatitig sayo bigla? Noong pwede naman akong umiwas pero tumitig parin sayo diba?