Habang dahan-dahan ako papalayo bigla akong napaisip at nag alala lalo
sa kalagayan ni eric at sa pamilya niya.
hindi biro ang ginawa ni eric para sakin, buhay ang tinaya niya, hindi
na niya naisip yung pwedeng masamang mang yari sa kanya, heto ngayon
ang resulta..
*at unti-unting pumapatak ang luha sa mga mata ni Missy. *
Kung hindi ginawa ni eric yun para iligtas ako malamang hanggang ngayon
ako ang nasa hospital at hindi siya,
ako ang nakaratay sa Higaan at hindi siya,
ako ang Nasa kritikal na Kundisyon niya at hindi siya.
*at tuluyang tumulo ang luha ni missy sa kalungkutan na naramdaman niya
para sa Kaibigang na ni Minsan pa lang niyang nakilala at maging sa
pamilya nito.*
Nag pasiya ng umuwi si Missy ng bahay ng hapong iyon.
Hindi na siya nag sumubok na Kumustahin ng Harapan ang pamilya ni
Eric at ang Kanyang mga Kamag-anak.
Lumipas ang ilang araw..
hindi pa din nawawala sa isip ni missy ang pag aalala..
ilang araw pa ang nakalipas..
nabalitaan na ni Missy na nakalabas na ng Hospital si Eric. ayus na ang
kalagyan ni eric , Stable condition na siya pero ang kundisyon ng
kanyang mata ay Inoobserbahan pa ng kanyang mga doctor.
Ng makauwi na ng bahay si Missy, nag pa siya na siyang Bisitahin kung saan naka tira si eric...