CHAPTER ONE
Congrats man! That's one heck of a bloody fight but you came out alive. Bati sa akin ni Leo. Nasa opisina na niya ako. Katatapos lang ng final hearing ng kasong hinawakan ko. Aaminin kong that case was the toughest among all that I handled so far.
So saan tayo? Tanong niya. We are always like this. Kapag natatapos ang kaso namin, kasunod na niyan ang liwaliw. Why not? We always came out of the court alive. Delgado Law Firm has been on top since its existence. Walang makatibag. We have a well trained and intelligent lawyers in the country. Lahat ng abogado ng firm have top notched the bar exam. No wonder kami ang pinakaindemand sa larangang ito.
Your plan. Sabi ko nalang. I'm really exhausted. Sunod-sunod ang naging client ko. But thanks to that, dahil mas naging kilala ang pangalang Atty. Lawrence Ynigo Delgado.
***
Hindi mo ba naman napapabayan ang sarili mo diyan sa ginagawa mo anak? Baka naman masyado ka nang nahihirapan? Tanong sa akin ng mama ko. Napalingon naman si papa at inilapag ang binabasang dyaryo.
Ma, okay lang po ako. Tsaka hindi naman po ako loaded ngayon kasi nagsummer po ako noong nakaraan diba? Sagot ko tsaka ngumiti to give them asurance that I'm fine.
Hindi mo naman kailangan gawin yan anak. Buwan-buwan kaming naghuhulog ng pera ng mama mo sa account mo. Hindi man kalakihan yon, pero alam kong kakasya yon sa gastusin mo. Seryosong sabi ng papa ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag talaga nauungkat ang pagpapart time ko sa fast food ay ganito ang usapan.
Pa, alam ko po naman yon. At opo kasyang-kasya po iyon. Kaso po diba, mag-aabogada ako? Ipunin nalang po muna natin yon. Isang sem nalang po at tapos na ako. Kasunod na po yung enrollment sa College of Law. Tsaka lumapit ako sa papa ko at minasahe ang balikat niya. Ganito ako kapag naglalambing o may hihinging pabor. Sege na po pa, ma, okay lang naman po ako at hindi ko po napapabayaan ang studies ko. Tsaka hindi naman mabigat ang trabaho ko. Magcacashier lang naman ako. Tatlo hanggang apat na oras lang kada araw yon. Mabilis lang po at nakakauwi naman po ako sa apartment ng maaga. Mahaba kong paliwanag. Masyado talaga nilang inaalala ang kalagayan ko. E okay pa nga ako sa alright!
I'm Loreen Bernadette Villegas, 4th year AB Political Science student sa isang sikat na unibersidad. Scholar ako doon mula first year hanggang ngayon. Bukod pa doon, scholar din ako ng munisipyo namin. Swerte lang talaga na nakapasa ako sa academic scholarship ng university kung kaya nakakapag-aral ako sa paaralan ng mga mayayaman at sosyal. Ang perang mula sa munisipyo namin, iyon na ang itinutostos ko sa mga pangangailan ko sa pag-aaral.
Nandito pa naman kami ng mama mo. Itataguyod namin ang pag-aaral mo ng Abogasya, anak. Wag mo na masyadong intindihin yon. Gusto ko na mag-aral ka lang. At magrelax relax din pag may time. Saka tumawa pa ito. Natawa narin ako at si mama. Ganito kami. Kahit simple lang ang buhay namin, basta't magkasama kami at masaya, lahat ay okay na. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Idolo ko silang dalawa. At sila ang dahilan kung bakit ako labis na nagsisikap.
Till then...
Alexabeatrizz
BINABASA MO ANG
Stumbled Heart
Fiction généraleIn love, there is no guarantee of a happily ever after. You need to take a risk. So you will have a chance. I loved him back then, when I was young and innocent. I loved him with all the love that I could give. He's my first in everything. I risk...