Chapter 41: My Decision

24.5K 335 42
                                    

Your Body Against Mine by: myscarletletters

Salamat sa pagbabasa. Pahingi ulit ng votes and comments. Salamat.

Chapter 41: My decision

Warning: SPG 

**********************************

Corrine’s POV

“ano?! bakit ba ang dali mong mapatawad!! Nakakainis ka rin pa minsan minsan! Bwesit na kabaitan yan! Bakit ba ang babait bait mo!!?” sigaw ni Tanya sa akin.

Nasa isang parte kami ng resort na hindi pinupuntahan ng mga tao. Madilim kasi. Nung nakita nya kami kanina may urge akong naramdaman na dapat kung sabihin sa kanya. I’m being unfair to her if hindi ko man lang sya masabihan sa mga nangyayari sa buhay ko.

“matapos ka nyang saktan ganun ganun nalang kadali sayong magpatawad? Seriously! Nakakaasar na yang pagiging mabait mo.” naasar talaga sya.

Sinabi ko kasi sa kanya ang lahat. Simula nung nakita namin si Hannah hanggang sa mga nangyari kanina.

Hindi ako makapagsalita dahil ayaw tumigil ng bibig nya. “kaninang umaga sinauli mo sa kanya ang singsing tapos ngayon bati na agad kayo? Nagpapakatanga ka Corrine! Ang tanga mo! at bakit ba sa lalaking yun ka pa umibig! Ang babaw ng rason nya! paano nalang pagkinasal na kayo? Iiwan ka lang nya dahil sa mababaw na rason! Hindi ka ba natatakot? Dahil ako natatakot akong masaktan ka!”

Tumulo na ang luha ko. alam ko naman na tanga ako dahil umaasa na naman akong hindi nya ako sasaktan. Mahal ko e. ano ba bang magagawa ko kundi ang magpakatanga at magpakamartyr.

“kung mahal mo ang isang tao Tanya dapat alam mo kung paano magpakatanga at magpakamartyr. Sa tingin mo ba hindi ko alam yun? Kahit anong gawin natin parating may sakit pag nagmahal tayo. Consequence yun pag nagmamahal tayo.” Naiiyak kong sabi.

“yun na nga e. mas masasaktan ka. Alam mo bang nasasaktan akong makitang nasasaktan ka. Alam kong wala akong karapatang makisali dahil buhay mo yan pero sana man lang kung magmahal ka magtira ka naman sa sarili mo.” seryoso nyang sabi.

“pinili ko to Tanya. Alam ko na naman masasaktan ulit ako. Pero mas mabuti na yung ako ang masaktan kesa makita ko syang nahihirapan. Ganun ako magmahal. I’ll sacrifice my own happiness para sa taong mahal ko.” pagpapaliwanag ko.

Tumahimik na lang sya at tinignan ako. Kita ko ang pag-aalala sa mga titig nya. “okay if that’s makes you happy. I’ll support you. Pero pag sinaktan ka nya ulit ewan ko lang kung saan tatama ang kamao ko.” banta nya.

I smile at her and hug her. Kahit against sya sa mga principles ko ay hindi nya pa rin ako matiis. I love my breastfriend. Ang swerte ko lang dahil isa sya sa mga taong tumulong para buoin ang pagkatao ko.

Naglalakad na kami pa balik sa kanila Eliza at nakikita ko ang mga boys na nagkakatuwaan. Nandun rin si Hans at masayang nakikipag inuman sa kanila.

Agad ko rin naman nakita kong papaano kumislap ang mata ng mga babaeng pinsan ni Eliza habang tinitignan si Hans.

May lumapit pa nga sa kanya. Sabi ni Tanya, si Miranda daw yan. Morena ang balat nya, matangkad rin sya, maganda sya at may magandang hubog ng katawan. Nakabikini lang siya at inabutan nya ng barbeque si Hans.

“Hans… barbeque.” Aniya.

Tinignan naman sya ni Hans at ngitian sya nung Miranda. Ang landi nya! namumula pa talaga sya habang inaabot ang barbeque. Parang gusto kong kuhanin yun at isaksak sa kanya ang barbeque stick.

Kinuha naman yun ni Hans at binigay nya kay Zack na katabi nya. “o sayo na.” inabot nya yun at masaya namang kinuha yun ni Zack.

“bakit mo binigay sa kay Zack?” tanong nya.

Your Body Against Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon