Chapter 1

2.7K 51 49
                                    

Chapter 1

Bear with me guys,,, sorry for the typos and error,, love lots,..

HAVE FUN READING!!!!

   

    "OH MY GEEE!!!!! This is not true!!" malakas na bulalas ni Kriselda Francisco or simply 'Kris'. "Paano na yan?" halos ma ngiyak-ngiyak na wika niya.

    Mabilis niyang hinila ang isang Magazine sa drawer niya, at dali-dali niyang binuklat iyon. At mariin na tinitigan ang isang larawan, halos mawasak ang puso niya nang makita niya ang picture nang isa sa mga hinahangang banda.

    "Kris., ano ang nangyari sayo? Bat' ka sumigaw?" nag aalalang tanong ni Ruth sa kanya. "May mag nanakaw ba? Ano tatawag na ba ako nang security?" lumilinga pa ito sa kabuoan nang opisina niya, umaasang makikita ang hinahanap na salarin. Mababakas ang subrang pag aalala sa maganda nitong mukha.

    Si Ruth Mendrez ang matalik niyang kaibigan, slash secretary na may matinding galit din sa kapatid niya.

    "P-pinipilit kung tanggapin ang lahat, Ruth! Hindi ko alam bakit? Pero kailangan kung mag pakatatag, kailangan ko maging 'okay'. Pero kasi Ruth, Ang Tiempo Limite  Band!" halos hysterical na wika niya.

    "Anak nang tipaklong! Langya ka Kris! Kung maka tili ka naman eh! Daig mo pa ang na exorcism! Ano kabahan na ba ako?" naasar na wika nito. Nag dadamog na nilapitan pa siya nito, at umambang sasabunotan siya. "Arghh!!! maloloka ang bangs ko sayo!"

    Natatawang nag kunwari siyang lumalayo dito. "Ito naman wala ka kayang bangs!"

    "Tse! Manahimik ka!" singhal nito.

    "Ito naman boss mo kaya ako!" nakalabing wika niya dito.

    "Eh, ano naman kung boss kita.. sarap mo kayang sabunotan!" nakairap na wika nito. "Bakit ka ba kasi tumili nang pag ka lakas-lakas? Ano ba kasi ang nangyari sa paborito mong banda?"

    "Eh! Kasi naman eh, kalat na kalat na sa buong social media ang pag de-disband nang banda nila." malungkot na wika niya. "Hindi ko kasi nakita ang pag perform nila sa isang noontime show sa Spain. Eh!! 'yon pala last performance na nila 'yon! Grave Ruth, daig ko pa ang na brokenhearted." Madamdaming wika niya.

    "Asus naman! Kung maka 'brokenhearted' ka naman! Parang nag ka boyfriend ka before! FYI! Nbsb ka!"

    "Eh! Kahit na." ungot niya. "Ganoon parin iyon! Nag invest ako nang emotion sa kanila, so parang relationship na rin iyon. Simula nang minahal ko sila naging kami na, tapos ngayong na disband na sila para narin silang nakipag break sa akin nang hindi ko alam kung ano ang dahilan!." Atungal niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit iyon Ruthy? Ha!"

    "Whatever!" pag tataray nito. "Ayusin mo na sarili mo, tumawag ang damuho mong kapatid pu-'' hindi na nito natapos ang sasabihin nang biglang may pumasok sa loob ng opisina niya.

    "Hello my dear little sister." Biglang bungad nang nakakatanda niyang kapatid. Mabilis na itinago ni Kris ang hawak-hawak na magazine, at dagli ring nag iba ang timpla nang mukha ni Ruth.

    "I brought you! Your favorite Vanilla cheesecake," masiglang wika ng kapatid niyang si Nicolai Francisco. Dere-deretso itong pumasok papunta sa table niya, sabay lapag  sa bitbit nitong vanilla Cheesecake. Kapagkuwan ay prenteng umupo sa  harap mismo nang nakasimangot na si Ruth.

    "Hey there my Ruthy Ruth, miss me?" Pa-cute na wika nito sa kaharap. Pero isang nakakamatay na irap lang ang iginanti nito kay Nicolai.

    "Humpt! Mahangin! Alis na ako Kris... 'di ko na bet ang simuy nang hangin dito! Malansa!" pag tataray nito sabay padabog na umalis.

Mean Girls Club #1: KRISELDA FRANCISCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon