Chapter One
"Oh, Nerdy! Andito ka na pala. Kanina ka pang hinahanap ni Lyn. Kung nagawa mo na daw ba 'yong requirements kay Ms.Perez?" Kakapasok ko pa lang sa pinto ay agad na sumalubong sa akin ang kaklase kong si Zandra.
Oo, tinatawag nila akong "Nerdy". Nasanay na rin ang pandinig ko, eventually. Nerdy, Nerd, sanay akong ginaganoon ng mga estudyante dito. Sino ba ang hindi masasanay kung araw-araw mo nang maririnig iyon? High school pa lang naririnig ko nang tawagin akong 'nerd'. Noon pa lang ay parang tumatagos na sa bato ang pang-iinsulto. Binabara ko lahat ng tumatawag sa akin ng ganoon dati, pero ngayong college na ako ay hinahayaan ko na lang. Wala eh, kinailangan kong magbait-baitan at magpa-api. Kung hindi, baka tapos na ako sa pag-aaral ko ngayon. Tapos, pero hindi graduate. Tapos, kasi pinatigil ni Mama sa pag-aaral kung pumatol na naman ako sa gulo.
"Oo, kahapon ko pa naibigay. Baka hindi ko siya makita mamaya. Pakisabi na lang." Ngumiti siya at tumango. Sa ngayon naman ay masasabi kong hindi na ganoong kasama ang pakikitungo sa akin ng mga tao dito kung ikukumpara sa mga naunang araw at taon ng pag-aaral ko dito. Siguro ay nasanay na din sila sa presensya ko. Madami pa rin naman ang mga masasama ang ugali. Si Alexa na siyang tinapunan ako ng juice noon at ang pinsan nitong si Megan ay ako pa rin ang palaging nakikita. Hindi ko alam kung bakit parang ang laki kong hadlang sa kasiyahan nila at ganoon na lamang kung mapagbalingan nila ako ng galit. De Castro cousins will remain evil until I don't know when.
Hay, ang tagal ko nang nagtitiis sa ganitong buhay. Para bang ito ang purpose kung bakit nabubuhay ang isang Janelly Atienza Martinez. Ang maging nerd para may mapag-tripan ang ibang tao. Bachelor of Science in Customs Administration ang kursong kinuha ko. Maganda sana, pero parang ang role ko sa buhay ay isang entertainer lalo na kapag nagtitinginan sa akin ang mga tao para pagtawanan ako. Pero ano ba ang karapatan kong magreklamo? Pinili ko ito, ako ang gumusto. You did it to yourself, Nelly. So, you shut up.
Oo, ginusto kong magkaganito at wala akong dapat sisihin sa mga nangyayari sa akin. Pinili kong maginig nerd kaya wala akong dapat gawin kundi ang tanggapin ang bawat insulto na ibinabato nila sa akin.
"Nerdy, ipinapatawag ka ni Dianne. Pumunta ka daw sa Student Council Office mamayang lunch break kapag tapos ka nang kumain."
Si Dianne, ang presidente ng Student Council. Ano na naman kailangan ng isang iyon?
"Nerdy, ikaw na lang daw pala ang bahala sa idea ng presentation natin kay Sir Medrano. Wala daw maisip iyong iba, 'tsaka ikaw na din bahala magsabi sa lahat kung ano ang gagawin nila. Pwede ba, kung may script, ikaw na rin ang gumawa?"
Ano pa nga ba? Iyon naman madalas ang sinasabi nila sa akin. Ako ang bahala, ako ang sa lahat. Ang mangyayari, parang ako na lang ang gumawa. Matawag lang na groupings pero individual naman talaga! Nabubuhay ang mga taong ito sa asa. Asa na sa mga taong kayang gumawa para sa kanila. Hindi naman siguro mawawalan ng ganoon sa isang grupo-, ang taga-asa at taga-gawa. But for Pete's sake! Hindi na sila bata para sa ganoong klase ng set up! Geez, sometimes it's really stressing to deal with these people! Buti na nga lang nabawasan sila kompara noon. Iyong isang nabawas, malaking kabawasan na para sa akin!
"Nelly-chan!"
Hindi ko na kailangan lumingon para alamin kung sino ang nagsalita. Sa paraan pa lang ng pagtawag alam ko na, Nelly-chan. In Japanese, you add [-chan] when you call a friend.
"Samishi katta-desuuuu~" Bati sa akin ni Mika, ang maituturing kong kaibigan. Half Japanese at sa Japan lumaki pero fluent naman siya sa Tagalog. May pagkaisip-bata pa rin siya, pero hindi naman malala. Nagkasundo kami ni Mika sa kahiligan ko sa anime. Sa kanya ako mas natuto pa ng nihongo (japanese language).
BINABASA MO ANG
Love Me Nerdy (ON HOLD)
Teenfikce"I wonder how would you feel swallowing your own words, Mr.SoGood. Let me know when you feel it someday." "I am ready whenever you are." Masyadong malakas ang pagkakasabi niyon kahit na pabulong naman ito. Turning my body around shocked me. He was d...