This is a work fiction names business characters places events and incident are either the product of author's imaginations or used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit,modify display or create derivative works form or exploit the content of this story in any way please obtain permission.
"HOY! GAGI ASAN KANA BA? Akala ko ba bibili ka lang ng kape?" inilayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Au
"Nagmamadali kaba? Nandito pa ako sa café ang lakas ng ulan hindi ako makalabas!" sabi ko sakanya habang tinitignan sa labas ng glass wall ang pag buhos ng ulan alas dos na ng madaling araw at may bagyo pa yata
"sabi ko naman kasi sayo magpalit ka muna eh patapos naman na duty mo" tumatawa nya pang sabi
Sa tingin ba nya ay may oras pa ako magpalit ng damit ng pinagtulakan nya ako sa labas para pabilhin ng kape?
"tanga mo! Kaya ka iniiwan ang hilig mo kasi manulak!" may kahulugan kong sinabi sakanya
"atleast nauna ako manulak HAHAHA! Pucha dalian mo para marami pa tulog! sasabay ako sayo doon na na ako matutulog sa condo mo para sabay na tayo umalis kinabukasan!"
Tinutukoy nya ang pag punta namin kay naya para uminom dahil day off namin bukas, ngayon nalang ulit iinom dahil pareho pareho ng busy sa kanya kanyang trabaho.
I miss student life!yung tipong ang iniisip mo lang ay pagaaral mo you know you were getting older when you start thinking about the expenses of yourself.
Binabaan ko si au ng tumunog ang beeper para kunin ang inorder kong kape sa counter
"330 in all ma'am" sabi ng cashier sakin habang kinukuha ko ang card ko sa aking wallet, ng may tumabi sakin na matangkad na lalaki hindi ko pa buong nalilingunan ay ramdam ko na ang kabang bumalot sa aking sistema
And then all memories flashbacks like its just like yesterday, Hindi ko na nilingon at agad ko ng inabot ang card ko sa cashier para mabayaran na ang kapeng binili ko.
"thank you!come again ma'am." sabi ng cashier na hindi ko na pinatapos pakinggan
ramdam ko ang tingin nyang tumatagos hanggang buto ko, kahit pala matagal na tapos nakita mo ulit masakit pa din pala.
Hindi ko na inalintana ang malakas na buhos ng ulan wala na rin akong pake kahit magkanda putik putik pa ang putting puti kung uniform all I want is runaway from him.
Narating ko ang tapat ng hospital na pinag tatrabahuan ko pero kahit pala pati oras hindi ko kakampi. naka stop sign ito at kahit madaling araw na marami pa din sasakyan,bakit ngayon pa? 12 seconds pa bago mag go ang traffic signal pero parang isang oras na akong nakatayo dito.
Pinigilan ko tumulo ang luha ko kahit hindi naman na mapapansin yun dahil basang basa na rin naman ako, pero sa lakas ng ulan bakit bigla nalang hindi tinatamaan ng mga patak ng ulan ang mukha ko?
tumingala ako ng may nakitang payong nilingon ko kung sino yun at nakita ko ang lalakeng sumira sa pananaw ko sa pagmamahal, ang malalalim na mga mata nya at ang seryoso netong mga tingin ang sumalubong sa aking mga mata.
namuo ang galit sa Sistema ko habang pinagmamasdan namin ang ekspresyon ng isa't isa kahit na madilim ay natitiyak ko na nahahalata nya ang pamumula ng mata ko.
"You might get sick." he said while staring at my eyes never blinking GAGO! ANO NAMAN SAYO! Tinalikuran ko sya at bahagyang lumayo sakanya at sa sinisilungan na payong
"so stubborn." bulong nya sa sarili pero narinig ko sya kaya nilingon ko sya
"EH ANO NAMAN NGAYON?! SINABI KO BA PAYUNGAN MOKO?! HININGI KO BA YUN? STOP PRETENDING LIKE YOU CARE." Malamig kong sabi sakanya, kasabay ng pagtawid ko para makalayo muli sakanya ang pagpatak naman ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
