Nanay

1 0 0
                                    

"ANONG MAPAPALA MO SA PAG WOOD CARVING NA YAN? TIGNAN MO TONG KAPATID MO MAAYOS ANG BUHAY ISANG LAWYER PERO IKAW? SANA IKAW NALANG NAMATAY!! PUNYETA!!"

Ayan ang palaging sinasabi sakin ng nanay. Ayaw nya sa ginagawa ko. Tanging kapatid ko lang ang nakasuporta sakin. Di ko magawang magalit sakanya dahil sya mismo ay tuwang tuwa sa mga ginagawa ko.

Ngayon gumagawa ako ng isang babae. Hindi alam ng nanay na sya ito. Palagi ko itong niyayakap para kahit papano'y madama ko ang pagmamahal ng nanay. Naiisip ko minsan na sana si kuya na lang ako para mahal nya din ako. Na nakasuporta din sya sakin pero hindi lagi syang galit. Kaya ito lang ang libangan ko para makalimot sa sakit na nararamdaman ko. Masakit, mahirap minsan nakakalungkot isipin na bakit ako hindi suportado? Mahal nya bako? Kapag ba ako yung nawala kesa kay tatay mamahalin nya din ako? Opo nawala ang tatay dahil sa pagliligtas nya sakin nung ako'y bata pa. 

Lagi akong umiiyak sa kwarto. Nag iisa dahil pakiramdam ko wala ng nagmamahal sakin. Ang lungkot, ansakit sobra. " Nay minsan ba e gusto mong mawala na lang ako? Kapag ba ako yung namatay malulungkot ka din?" Pagkakausap ko sa ginagawa ko. Tapos ko na syang gawin. Ito tinitignan ko lagi kong naiisip ang nanay. Bakit andaya ng mundo? Bakit ako pa yung nakaranas neto? Bakit kailangan ako pa yung makadanas neto? BAKIT???

Minsan naiisip ko ang tatay. "Tay sana ikaw na lang andito para laging masaya ang nanay."

Lingid sa kaalaman nya e nanonood napakinggan ng nanay nya ang lahat ng kanyang nasabi. Umiiyak ng umiiyak ang nanay nya hanggang sa-

"Anak patawarin moko. Hindi ko gustong iparamdam sayo na ayaw kita. Sobrang nalulungkot lang ako dahil sa tatay mo. Mahal kita anak"

Mahal ako nang nanay ko :'(((

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon