Di ko akalain na aabot kami sa maraming taon ng pagsasama naalala ko pa dati...
"Aries sa tingin mo tayo kaya ang magkasama sa pagtanda natin? Kasi diba may mga magkasama na naghihiwalay din? "
"Oo naman Elle tayo ang magsasama kapag tanda natin. Pangako ko yan sayo"It is our 50th anniversary still andito pa din kami magkasama ng tahimik at nagmamahalan. Grabe palang kailan lang nung kinasal kami sa paborito naming simbahan...
" Alam mo Elle nung una tayong nagkita alam ko na ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Gusto ko sabay tayong tatanda kahit tayong dalawa lang kasama ang mga pamilya natin. Grabe yung mga pagsubok na pinagdaanan natin pero masaya ako dahil hindi tayo sumuko. We are the typical na mag jowa na nag aaway. Hindi palaging masaya na humantong sa paghihiwalayan pero dahil si Lord ay kasama natin sa ating pagmamahalan ay hindi nya hinayaan na magkahiwalay tayo. Aalagaan kita na parang isang reyna pangako mahal ko. Mahal kita sobra sobra"
"Aries nung dumating ka ay sobrang gulo ng buhay ko. Pero inayos moko hanggang sa umabot tayo dito sa harap ng Diyos magkasama. Dumaan ang maraming pagsubok pero hindi yun naging hadlang sa pagmamahalan natin. Naging matatag tayo sa lahat ng mga ito. Itinuring mo kong isang reyna ng iyong palasyo. Sobrang saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon sa harap ng Diyos. Pangako sayo na ikaw lang hanggang sa huli. I love you till Death do us part."
Eto kami ngayon nakahiga na lang nakatingin sa Glass window namin. Kay ganda ng tanawin sa labas. Sobrang saya ko na si Aries ang nakasama ko. Namuhay kami ng masaya at nagmahalan. Hanggang sa paglipas ng ilang oras tuluyan na kaming namahinga ng nakangiti dahil kami ang magkasama hanggang sa namaalam kami sa mundo.

BINABASA MO ANG
Short Stories
القصة القصيرةit was a 300 words short stories. Depende kung anong trip kong isulat. It's either a happy ending or sad one