Prologue

142 1 0
                                    

Nang makarating ako sa building kung saan ako nag tratrabaho, bigla nalang ako hinarangan ng guard. Nagtataka ako kung bakit at biglang nalang siya nagsalita. "Ma'am Romano, pasensya na po pero bawal na po kayong pumasok rito."

"Bakit po manong? Eh maayos naman po trabaho ko ah." sabi ko at nagpipigil ng galit. "Utos po ni Sir Aldegunde na bawal po kayo papasukin dito ma'am." sagot naman niya.

Aba'y gago un ah.

"Manong, pwede po kausapin ko muna siya at tanungin kung bakit?!" galit kong sabi kay manong guard. "Ma'am, pasensya na po talaga pero bawal talaga ma'am eh." sagot naman niya ta nanatiling kalmado.

"Manong! sige na po please! Hindi pwedeng mawala ang trabaho ko!" nagwala na talaga ako at wala ng choice si manong guard kundi papasukin ako. Pumunta agad ako sa office ni Maximo at hindi na ako kumatok at pumasok na agad.

Nakita kong nandoon si Kiliana pero hindi ko na pinansin iyon. "Maximo! anong sinasabi ni manong guard na hindi na ako pwedeng pumasok rito?!" hindi parin nawawala ung galit ako kanina pa. "Anong ginagawa mo rito?" tanong rin niya. "Tinatanong kita Maximo. Sagutin mo muna ako!" hindi padin ako kalmado. "Kiliana labas ka muna." sabi nalang niya at nagtataka si Kiliana kung bakit. "Huh? Bakit naman?" tanong niya. "Pwede bang lumabas ka muna!" nawala na rin ang timpi ni Maximo at wala ng nagawa si Kiliana kundi lumabas.

"Ano bang gusto mo Sara?" nagtitimpi niyang tanong. "Bakit bawal na akong pumasok rito?" ako naman nagtanong. "Nawalan ka na ng trabaho. Hindi ba obvious un?" sagot naman niya.

Kainis ka talaga Maximo.

"Ah ganun, sige kung yan gusto mo. Huwag mo na akong hanapin pa, kami ng anak mo." sagot ko sakanya.

Hiding His Daughter [On-Going] BOOK 1Where stories live. Discover now