Episode 02

5 0 0
                                    

STORM

In-unlock ko ang sasakyan para papasukin siya.

Wala namang pag-aalinlangan ay pumasok siya ng sasakyan, basang-basa.

"Anong ginagawa niyo sa gitna ng daan, basang-basa?" Pagtataka ko.

Lumingon siya sa akin at iniwas muli ang tingin.

Nawala sa isip ko ang dapat puntahan at pinaandar na lang nang walang kamalay-malay ang sasakyan.

Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho ay hindi ko mapigilang sumulyap sa kanya, kalmado nang muli ang mukha niya ngunit hindi pa rin siya nagsasalita.

"A-anong nangyayari?" Bulong ko sa sarili nang biglang tumigil ang sasakyan sa kalagitnaan ng kalsada na wala masyadong sasakyang kasabay.

Hindi pa kami nakaaabot sa bayan ay nawalan ng gasolina ang sasakyan ko.

Nahampas ko ang steering wheel at yumuko rito.

"Pasensya ka na, nawalan ako ng gasolina." Sambit ko sa kasama nang hindi siya tinitingnan.

"I can sleep here until sunrise." Malamig niyang sagot.

Ngayon ko lang narinig ang malamig at husky niyang boses habang nakasandal ang ulo sa headrest.

"Huh?" Kunot-noo kong tanong.

Hindi na siya muling sumagot at nakapikit na lang.

Ilang sandali ang lumipas at tumigil ang ulan ngunit hindi pa rin bumabalik ang kuryente sa mga street lights.

Kaya naisipan kong bumaba upang magpahangin.

Huminga ako nang malalim nang mapagtantong stuck ako sa gitna ng Highway at may kasamang mestisong lalaki na hindi ko man lang alam ang pangalan.

Isinandal ko ang sarili sa sasakyan at humalukipkip.

"May alam akong pwedeng tuluyan malapit dito, sa loob nga lang ng mga puno."

Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita ang lalaki na akala ko'y namamahinga sa loob ng sasakyan.

"H-huh?"

"Kabisado ko ang kakahuyan dito, halos lahat. 'Wag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa'yo."

Hindi pa rin ako makasiguro sa mga isinasambit niya kaya nanatili akong tahimik.

"Kesa naman dito sa sasakyan mong wala ng kwenta, alas nuebe pa lang, oh."

Napa-isip ako bigla sa sinabi niya, mukhang hindi naman siya ganoong tao, sa hitsura niyang ito.

Mukhang mayaman pero naliligaw sa gitna ng daan.

Halos maiwan ang kaluluwa ko nang higitin niya ako nang mabilis palayo sa sasakyan at naglakad papasok sa kakahuyan.

"T-teka!" Pagpigil ko sa paghatak niya sa braso ko.

Tumigil siya at nilingon ako.

"Sigurado ka ba? Wala namang mga vampires or werewolves diyan? K-kasi ganoon 'yong mga nasa palabas—"

"Sa tanda mong 'yan naniniwala ka pa rin sa mga gano'n? Tss."

Binitawan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad kaya wala akong ibang nagawa kung 'di sumunod sa kanya.

Madilim at tahimik ang kakahuyan, hindi kalayuan mula sa Highway ay may naaninag akong ilaw na nagmumula sa may bubong.

"Teka! May bahay do'n, oh!" Sigaw ko.

Nanatili kaming nakatayo sa tapat ng pintuan na maalikabok at tila ilang dekada ng nakatayo sa gitna ng kakahuyang ito.

"May t-tao kaya rito?" I stuttered.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ruins of a Mighty City ( ON-GOING )Where stories live. Discover now