SIMULA
"I'm sure you'd love this." Sabay abot ni Natalie sa nakabalot niyang regalo sa akin.
Agad ko namang iniabot at sobra nang nasasabik sa kung ano ang laman nito.
Medyo kinakabahan ako sa kung ano ang laman nito at hinihiling na sana'y magustuhan ko talaga.
"Wow! Salamat, Nat!" I wailed as I hugged her out of excitement and joy.
"Walang anuman. Alam kong gusto mo ang mga bagay na ganyan dahil alam kong mahilig ka at gustong-gusto mo talaga 'yan noon pa man." She smiled while holding my hands. "Happy Birthday!"
Muli kaming nagyakap at hindi maalis ang mga ngiti sa aking labi.
"Thank you talaga ng marami, gustong-gusto ko 'to!" I cried.
"You're always welcome at alam ko namang gusto mo talaga bilhin 'yan nanghihinayang ka lang sa presyo."
Matagal ko nang inaasam-asam ang Crystal Ball na nagkakahalagang 3,000 pesos.
Ganoon siya kamahal dahil sa authenticity nito at may iba pang features maliban sa physical na kagandahan ng ball na ito. When you ask a question and shake it, it answers your question.
Kayang-kaya ko bilhin pero hindi kasi talaga ako magastos sa mga bagay-bagay na gusto ko lang.
Nanghinayang ako sa presyo dahil isang Crystal Ball lang naman tapos ganoon kamahal.
Iyon ang isa sa pinaka-importanteng regalong natanggap ko nitong kaarawan ko, lalo na't bigay ni Natalie.
"Oh, aalis ka na ba?" Bati ni Ate Leigh habang pupungas-pungas pa pababa ng hagdan nang mapansing palabas ng pinto dala-dala ang suitcase ko.
"Ah, oo, Ate. Ang aga mo yata gumising? Anong oras pa lang."
"Nag-CR lang ako, napansin kong bukas ang ilaw sa baba." Sagot niya habang mapungay pa rin ang mga mata.
"Well, I think you should go back to sleep, magpahinga ka pa." I worried.
"Yeah, sige. Bumyahe ka na. Ingat." She said languidly
I just smiled before finally turning away from her saka lumabas ng bahay.
Kinuha ko naman ang susi ng Mercedes-Benz E 200 ko at isinakay sa trunk ang suitcase na dala ko.
Pagdating ko ng airline at pinarada agad ang sasakyan ko at bumaba.
"Good morning, Ms. Caballero!" Bati ng Security pagpasok ko ng entrance.
Ngumiti naman ako pabalik.
Dumiretso naman ako ng Comfort Room para mag-retouch ng kaunti bago tumuloy.
"Good Morning!" Bati ng katrabaho ko habang naabutan kong nagre-retouch na rin sa harap ng salamin.
"Sino raw piloto ngayon?" Tanong ko.
"Ah, syempre si Mr. Gomez."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.
Really?!
Kung sinuswerte nga naman ngayong araw oh.
"Nice..." I chuckled.
"Sus... Ikaw talaga, Eli. Hilig sa mga pogi, pero, swerte mo rin kasi parang type ka no'n ni Mr. Gomez." Sambit nito habang nagpe-face powder.
Kumunot naman ang noo ko sabay ngisi, "Ano ka ba, nasa 30s na yata 'yon si Mr. Gomez kaya malabo. Kayo pa nina Morissette, pwede."
She just chuckled nang itago sa bag ang face powder.
YOU ARE READING
Ruins of a Mighty City ( ON-GOING )
Ciencia FicciónWho doesn't love adventures? Myths. Legends. Magical creatures. Fairies. Wizards. Witches. Wolves. Vampires. The ones that haven't been proven true yet. You will only know when your own eyes have seen it. Will you get scared? What you thought was b...