"Love"

12 2 0
                                    

Kapag nahuhulog siya ako ang nasalo sa kanya

Kapag nalulunod siya ako ang lumalangoy para sagipin siya

Kapag umiiyak siya ako ang nag papatahan sa kanya

Sa lahat ng pagsubok na dinanas niya ako lagi ang nandiyan....pero siya pa rin ang pinili niya

Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung may pagkukulang ba ako ngunit wala akong makuha na sagot...

"You're getting married?!" saad ko nang sinabi ng pinakamamahal ko sa mundo na ikakasal na siya

"Yep, I proposed to her yesterday when we were having dinner at my favorite restaurant, what's with the reaction, hindi kaba masaya sa akin?" humigop ito sa tasa niyang may kape

"No, I'm not happy" gusto ko sabihin sa kanya yan ngunit sa ilang taon kong patagong pagmamahal sa kanya ni minsan hindi ko binalak umamin dahil inaasahan ko na maramdaman niya ito at siya mismo ang mag tanong ngunit... sa hindi inaasahan bago pa man niya maramdaman dumating ang babaeng minamahal niya at makakasama niya habang buhay

"At nung unang nakita ko siya masasabi kong wala na akong pag asa"

"Ano kaba kailan ba ako hindi naging masaya para sayo" for the first time sa bawat sucess mo ngayon lang ako naging hindi masaya dahil alam kong hindi ako ang pangangakuan mo sa harap ng altar

"right, you've always been a supportive bestfriend to me kaya mahal kita e"

Mahal

hindi ko alam kung bakit sa pag sabi mong mahal may kumukiliti pa rin sa tsan ko kahit alam kong iba ang ibig sabihin neto pero...

Hindi naman masama mag imagine diba...na mahal mo ako

Tutal imahinasyon ko lang naman iyon dahil alam ko at alam mong siya ang mahal mo

"Well... same to you, mahal din kita" Romantically

"What?" tanong ko dahil nakatitig siya sa akin

"Ikakasal nako"

"Oh ano?"

"Wala kaba talaga tinatago saking boyfriend mo?" may pag aakusa ang tono niya

"Wala noh at ayoko na pumasok sa relationship hindi naman kasi nag wowork out" I know the problem is me.. i tried to love them but... ni isa sa kanila hindi ko naramdaman yung nararamdaman ko kay luke

"Gusto mo ba ipakilala kita sa kaibigan ni cheski" his soon to be wife

"No thanks, tatanda na lang akong dalaga. sinabi ko na sayo ayoko ng pumasok sa relasyon"

"Okay...then mauna na ako baka mag tampo pa si cheski dahil sa pagiging late ko sa pag ayos namin ng kasal"

"Hmm Sige, ingat"

4 months nag prepared ng kasal sila luke and tomorrow si cheski ay mag lalakad na sa aisle

kung tatanungin niyo ako kung nagsisisi ba ako na hindi umamin kay luke my answer would be a "yes" medyo nagsisisi ako pero okay lang dahil ang mahalaga masaya siya

Okay lang ako dahil masaya siya... kahit pa hindi ako yung nagpasaya sa kanya

I'm fine with it pero hindi ibig sabihin non hindi masakit.. It hurts to see him being happy with her kasi alam kong hindi ako yung nag papasaya sa kanya.

bago dumating siya siguro kami ang mag papangakuan sa isa't isa sa harap ng altar pero... hindi na mababalik pa ang nakaraan kaya ang mahalaga na lang ay masaya siya

Kahit ang kapalit pa ng saya niya ay saya ko ang mahalaga ay masaya siya....

Nasa harap ko ang dagat at tinatanaw ko ang palubog na araw nang marinig ko ang tunog na may tumatawag sa cellphone ko galing sa bag na naka lapag sa sand

"Love" (Short Story)Where stories live. Discover now