Ikaw Pala Habambuhay

37 0 0
                                    


Noo'y umibig na ako subalit nasaktan ang puso
parang ayoko nang umibig pang muli.
May takot na nadarama na muli ay maranasan
ayoko nang masaktan muli ang puso ko.

Ngunit ng ikaw ay nakilala, binago mo ang nadarama

Para sayo ako'y iibig nang muli
Para sayo ako'y iibig pang muli
Ang aking puso'y pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sayo
PARA LANG SAYO


Tamang sound trip lang sa kantang PARA SAYO ni Aiza Seguerra. Darating kaya ang panahon na may isang taong kakantahan ko nito? Ayoko na kasing magmahal. Kontento na ako na single lang dahil ayoko na masaktan. Siguro sa tamang panahon at pagkakataon nlang ako muling magmamahal.

Yan ang nasaisip ko noon mula nung makipaghiwalay ako sa first boyfriend ko. Dun ko din narealize na ang puso pagnahirapan ito na ang kusang susuko at aayaw.

Ako nga pala si Alexandria Martinez. Alex nalang for short.

Simple lang ako. Lipstick at pulbo lang masaya na ko. Swerte na nga lang pagsinipag pa ko gamitin yun saka lang ako magmumukhang tao. ∩__∩

Noong highschool ako ang dami ko nagiging crush pero hindi ako nag boboy friend kasi walang manligaw! Hindi, joke lang ayoko lang talaga kasi gusto ko study first.

(a/n: study first weh? Di nga? Uso pa ba yan?)

Nag-iba lang ang lahat noong magcollege na ako. Nagkaroon ako ng BF nung 2nd year ako pero dahil manloloko at babaero sya, ako na din ang sumuko sa huli. On and Off kami nun akala ko kasi magbabago sya hindi naman pala! Kaya bago ako mag 4th year hiniwalayan ko na sya.

Masaya ako nung mawala na sya sa buhay ko parang may malaking tinik na nahugot sa puso ko. Almost two years akong nagpakamartir sa taong hindi marunong magpahalaga. Mabuti nalang at nagising din ako sa katotohanan.

Happy go lucky lang ako ngayon. School, bahay lang parang isang mabuti at huwarang mag-aaral lamang. Nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ko hanggang dumating si Tyrone Montecillo sa buhay ko. Kilala sya sa tawag na Tye.

Si Tye ay isang kagalang-galang na lalake. Para sa akin matured na sya. Mahilig syang mag advice at magaling mangusap.May sense syang tao at may sense of humour din. Hindi sya yung hahangaan mu dahil sa matalino sya pero the way na mangusap sya iisipin mo na matalino sya but he doesn't excel in school.

One time naging magkagroupmate kami sa isang activity. Lagi syang late pumasok pero sya yung pinakanakakatulong ko. Niloloko ako sa kanya ng barkada ko pero for me its a big NO! NO! Hindi sumagi sa isip ko na maging boyfriend sya. He always smile at me siguro akala nya madadala nya ako sa killer smile nya.

"Girl Bet ka ni Tye."

Ayan ang madalas kong madinig sa mga kabarkada ko at wala naman akong pakealam. Tumatawa nalang ako at nakikiride-on sa mga sinasabi nila.

Minsan naman madalas banggitin ni Tye na pambabara ay yung MAHAL MO? MAHAL MO? IWAN MO! sabay papahabulan nya ng JOKE LANG IPAGLABAN MO!

Sa tuwing nagsusulat naman ako pakiramdam ko ay tinititigan nya ako habang nakangiti sya. Natutuwa naman ako sa mga bagay na ginagawa nya pero hindi ko pa din sya gusto. Hanggang sa dumating yung araw na barino ako dahil ang tagal ng mga kasamahan namin. Sya naman nagmadali gamit ang motor nya para sunduin ako.

Nagtetext ako nun habang nag-iintay tapos may humalbot sa cp ko na ikinagulat ko at ng makita ko si Tye pala. Paano ba namang hindi ako matatakot he is wearing black cap with a touch of white, black jacket and shades akala ko tuloy snatcher, kidnapper, rapist or whatsoever. (Joke lang snatcher lang talaga ang akala ko.)

Nasaan na si Mahal ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon