Chapter 2

21.6K 914 33
                                    

"What? No! Hindi puwedeng hindi. Kailangan nating magawan ng paraan iyan. Napakaimposible namang tinanggihan pa niyan ang offer natin!" iritadong hiyaw ni Keaton sa abogadong tumitingin sa mga lupang gusto niyang bilhin at nagpupuyos ang loob na tinapos ang tawag. He was in his home office when he received the call from Atty. Anthoine La Guarcho.

Kaibigan niya ang binatang abogado, pero kapag negosyo na ang pinag-uusapan, para silang aso't pusa kung mag-away. They argue over the smallest things. Kagaya na lang ngayon. Ibinalita nitong hindi pumayag ang may-ari na ibenta ang property na gustung-gusto niyang pagtayuan ng hotel sa Balintawak. Nasa Visayas iyon. Sa Escalante.

Nakausap na niya ang dating may-ari ng lupa, si Enrique Cordero. Hindi ito umayon sa proposisyon niya pero hindi rin naman ito direktang tumanggi. Tahimik lang ito at pinaunalakan siya sa iilang beses na inimbitahan niya itong makipag-usap dito. He couldn't tell what his intentions were or what he was really up to. The old man was sickeningly mysterious! Nitong huli niya lang nabalitaan na pumanaw na pala ito at iniwan sa nag-iisang apo ang bahay at lupa. He didn't even know that the man had a granddaughter! Buong pagkakakilala niya rito ay nag-iisa lang ito sa buhay.

Tumiim ang bagang niya. The new owner will have to sell. Gagawin niya ang lahat para makuha ang lupa. Hindi puwedeng hindi. Plantsado na ang plano. May nakausap na siyang mga tao. Nakahanda na ang lahat para so konstruksyon.

"Shit!" Ibinagsak niya ang sarili paupo sa swivel chair at walang ingat na ipinatong ang mga paa sa mesa. Kumikirot ang mga ugat sa sentido niya. Damn, bakit ba ngayon pa nagkaroon ng aberya? Muli niyang inabot ang aparato. He dialed his PI's number. He needed to get a comprehensive background check of Enrique's granddaughter, kung sino man ito at kung saan ito nanggaling. He couldn't just give up the project. He wasn't called a magnate and a hotel genius for no reason at all.

Pagkatapos niyang sabihin sa PI ang mga impormasyong gusto niyang makuha ay ibinaba na niya ang cell phone. Isinandig niya ang likod sa highback na sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang magpahinga kahit ilang minuto lang. Suddenly, his phone rang. Hindi niya gustong abutin ang cellphone na nasa ibabaw lang naman ng desk, pero ayaw tumigil ng caller. Umungol siya at iminulat ang mga mata. He grabbed the phone lazily. "Keaton Grey. Yes?"

"Keaton!" malamyos ang tinig ng babae sa kabilang linya.

His face softened. Nawala ang patung-patong na linya sa noo. "Corie..." sambit niya sa pangalan nito. Her name still had that sweet and bitter taste in his mouth. Cordelia ang buong pangalan ng dalaga. People call her Cadie. He preferred to call her Corie. Siya lang ang tumatawag dito sa palayaw na iyon.

"Kumusta ka na, Keaton?" masiglang usisa nito sa kanya.

He laughed at himself. Mahal pa rin niya ito. She still had that effect on him. He missed her. He loved her. Pinakawalan niya ito dahil iyon ang alam niyang makakapagpaligaya sa babaeng mahal niya. She was in love with someone else. Badly in love with her boss. Kahit na ipilit niya ang sarili, alam niyang talo siya sa labang iyon. Mas gugustuhin pa niyang siya lang ang masaktan kaysa habambuhay itong maging malungkot sa piling niya.

His blue eyes grew a shade darker. "I'm good. How are things going between you and Nathan?"

"Oh! We're doing great! Nathan's a very loving husband." Nagkaroon ng kakaibang aliw sa tono ng tinig nito.

Sumikip ang dibdib niya. Minsan talaga gusto niyang magalit kay Cordelia. Hindi ba nito alam na nasasaktan siya kapag sinasabi nito kung gaano ito kasaya sa piling ng napangasawa? Nathan was a bullhead when Corie met him. She was just one of Nathan's many flings. But the bullhead fell in love, at hindi niya natapatan iyon. He had to let Corie go and be happy with her one true love.

"Ahm, Corie, I really want to talk longer but... ahm..."

"You're busy, Mr. Hotel Genius?" she supplied.

"Ah, yeah." It was a lie. Kailangan niyang tapusin ang usapang iyon. The longer the conversation, the more painful it was becoming for him. Just listening to her voice, hell. Wala na sa linya si Cordelia pero nakamata pa rin siya sa screen ng phone. Determinado na siyang kalimutan ang nararamdaman niya para sa kaibigan. He will move forward. He must move forward.

Wala sa loob na inabot niya ang remote ng telebisyon na pina-install niya sa kanyang opisina. It was one expensive prestige UHD TV, supreme edition. Mahal ang pagkakabili niya niyon. Ang tumambad sa kanya pagkabukas na pagkabukas niya ay ang mukha ni Leon Rodrigazo. Of course, he knew the guy. Iisa lang ang sirkulong ginagalawan nila.

"Valie, mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita..."

Love, he thought mockingly. He had almost laughed derisively. In-off na lang niya ang TV. Sumama lang lalo ang timpla niya. Ibinigay niya nang buong-buo ang debosyon niya sa babae noon pero nasaktan lang siya. He was happy for Cordelia, yes, pero hindi ibig sabihin n'un ay naniniwala pa siyang kakayanin niyang magsakripisyo ulit para sa babae.



ENIGMATIC BLUE EYES bore into a 4x4 photo printed in full color. Keaton sat in his office. Hawak niya ang litrato ng may-ari ng lupang gusto niyang bilhin. Ang apo ni Enrique Cordero. There was nothing hard or inflexible about the woman staring back at him in the picture. Mukha naman itong malambot at hindi mahirap kausap.

"Violet de Gracia," he read. Beinte-uno anyos. Nagtapos ng BS in Environmental Planning and Management. Walang trabaho maliban sa paggawa ng mga herbal medicines at love potions. Marunong din itong manghilot at manggamot ng mga taong namaligno. Both her parents died in a road accident five years ago. Kinupkop ito ni Criselda na kaibigang matalik ng ina nito.

"Ikaw lang pala..." Itinuon niya ang mga mata sa mukha ng magandang dalaga. Nakilala niya ito noong samahan niya si Cadie sa Gamugamo para magpatimpla ng gayuma kay 'Byuleta.' Violet pala ang totoo nitong pangalan. Frankly speaking, he didn't believe in love potions. Kung totoo ang gayuma, wala na sanang pusong sawi ngayon. "Victory should come easy now." Binalikan niya sa isipan ang unang beses na nagtagpo sila nito. Malinaw pa sa kanya ang pagsinghap nito at pagkapit sa hamba ng pinto. Maliwanag pa sa sikat ng araw na patay na patay ito sa kanya. "She likes me," All the more reason why victory should come easy for him. Mukang hindi naman pala siya mahihirapan. Maglalaro lang sila ni Violet.

Possessive 6: SCHEME (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon