Alas seis ng gabi. Pinagmamasdan ni Keaton ang malaking bahay na gawa sa mahusay na kahoy at semento na nasa kanyang harapan. Ancestral house ang bahay na iyon, and in his assessment, ay ni-renovate na nang ilang beses. Sa dalawang pagkakataon ay nakapasok siya sa bahay. Dalawang palapag iyon. Sliding window ang mga bintana maliban sa banyo na awning ang estilo. Isa sa dalawang beses niyang pagtungo roon ay inimbitahan siya ng matandang Cordero na doon maghapunan. The dining room was surprisingly relaxing, looking out to a small patio. Doon ay may dalawang silyang tumba-tumba. Maaliwalas ang sala. Ang nakadisplay na radyo at telebisyon ay iyong mga noong dekada nobenta lang ginagamit. Apat ang kuwarto sa pagkakaalam niya. Isang master bedroom, dalawang mas maliit nang kaunti ang sukat at para sa mga bata, at isang para sa kasambahay.
Inikot niya ang tingin sa paligid. Wala nang traysikel o kahit na anong sasakyang nagdaraan. Tahimik ang loob at labas ng kabahayan. Ang ekta-ektaryang lupaing nakapalibot sa bahay ay pag-aari pa rin ni Enrique Cordero na ngayon ay legal nang pagmamay-ari ng apo nitong si Violet de Gracia. Mapapasakanya ang property na iyon. Pinihit niya ang door knob ng main door. Bukas iyon. Inaasahan na niyang bukas lang ang pinto. Ang sabi ni Anthoine ay matagal-tagal nang walang naninirahan sa malaking bahay at napabayaan na nang husto. Siguro ay hindi gustong manirahan doon ni Violet, lalo na at napakalayo ng Gamugamo sa Balintawak.
May nakita siyang kandelabra sa sala. Sinindihan niya ang kandila gamit ang lighter na nakalapag sa parehong lamesa at saglit na ibinaba ang hawak na kandelabra para hubarin ang suot na T-shirt dahil napakainit. He pulled the shirt over his head. The fabric slid through the smoothness of his skin. And the pale light from the candles cast a kind of shadow and illumination across his intensely carved abdomen.
Nagpatuloy siya sa pag-iikot. May mga kasangkapan pang natatabunan ng puting tela. He resumed walking. Sumapit siya sa ikalawang palapag. Ang liwanag lang ng buwan at ng hawak na kandelabra ang gumagabay sa paglalakad niya.
Huminto siya sa tapat ng malaki at solidong kahoy na pinto na ang disenyo ay inukit na guhit ng mga bulaklak at halaman. Pinihit niya pabukas ang seradura at itinulak pabukas. May malaking kama sa pinakagitna ng silid, a four-poster Medusa bed. Pula ang kulay ng kobre-kama. Pula rin ang telang nakayapos sa apat na poste.
Ipinikit niya ang mga mata at pinaraanan ng hintuturo at hinlalaki ang dulo ng higaan, summoning erotic thoughts of the exotic Egyptian queen Cleopatra and the powerful Roman general Mark Anthony.
"Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito sa kuwarto ko?"
Napaigtad siya sa biglang pagbasag ng malamig at malakas na tinig sa katahimikan ng gabi.
"Magnanakaw ka!"
Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa kanya ang napakagandang pares ng mga mata na taimtim ang pagkakatitig sa kanya. Mga matang gaya ng sa pusa. His eyes glided to the wonderful swell of her mouth, down to her chin, and moved back up to the warm blush across her cheeks. Nagra-riot ang kulot nitong buhok na lalo lang itong pina-senswal. Kayumanggi ang dalaga. Kakulay ng mocha. Makinis ang balat at pantay ang kulay.
The woman wore nothing but a beige silky nightgown. Nakayapak lang ito at nakapako sa kanya ang hugis pusa nitong mga mata. Mukhang galing ito sa banyo pagkat may hawak pa itong tuwalya. Bakit wala man lang siyang narinig na lagaslas ng tubig kanina?
"Violet..."
Oh, God, gustong niyang isiping isang Diyosa ang nanaog mula sa langit, at gusto niyang magalit nang maalalang bukas lang ang pinto sa ilalim. Paano kung may masasamang loob ang pumasok sa kabahayan at nakita ng mga ito ang dalaga? Walang lalaki, lalo na kung halang ang bituka, ang hindi mag-iisip na gahasain ito.
He, too, can even rape her right then and there, at walang makakaalam. Napaka-careless nito and for crying out loud, she was wearing a nightgown that would seduce even f*cking Satan!
"K-Keaton? Ikaw ba iyan?"
"Yes." He cleared his throat. "And I'm glad it's me. You should be glad, too, trust me," makahulugan niyang sambit.
"A-ano ang ginagawa mo rito sa loob ng bahay ko?"
He automatically came up with an excuse. "Ibinilin sa akin ni Mr. Cordero na tignan ang bahay habang wala pang may nakatira," pagsisinungaling niya. Ang tanging rason na pumasok sa kanyang isipan na puwedeng paniwalaan ng dalaga. Alam niyang hindi siya nito pag-iisipan ng masama lalo na at nagkaharap na sila noon. "Hindi ko alam na narito ka na pala." Totoo iyon. Nakaplano na ang petsa kung kailan niya dapat pupuntahan si Violet de Gracia. Hindi niya naisip na makakaharap na niya nang mga sandaling iyon ang dalaga.
"K-kilala mo ang Lolo Enrique ko?" Pagkalito ang gumuhit sa maganda nitong mukha.
"Yes, Violet. Business comrades. Isang mundo lang ang ginagalawan namin. Twice, I've been in this house and one time, I even had dinner with your grandfather. Tahimik siyang tao pero naging mabuting magkaibigan kami." Bumuntong-hininga siya at tinitigan si Violet na nakatanga lang sa kanya. His eyes moved down to her breasts. The wench wasn't wearing a bra! Her nipples reacted, kung sa mga titig niya o sa hanging panggabi ay hindi niya masabi. Tumikhim siya at ibinalik ang tingin sa mukha ng kaharap. "Hindi lang ang bahay ang ibinilin niya sa akin. As a matter of fact, isa ka sa mga inihabilin sa akin ng matanda."
"W-walang sinabing ganyan ang abogadong kumausap sa akin."
He smiled at her. Nilapitan niya ito at hinawakan sa magkabilang braso. Gumalaw ang panga niya nang mahawakan niya ito. He fought the urge to sink his fingers deeper. Why, Violet was so soft! At hayagan itong suminghap. Kung siya lang ang masusunod ay kakargahin niya ito at ihihiga sa kama. Hindi niya ito palalabasin ng kuwarto hanggang hindi sila pinangangapusan ng hininga.
"Pakiusap, Keaton, huwag mo akong titigan na parang hinuhubaran, baka matangay ako."
Tumaas ang kilay niya. Yes, he wanted to strip her naked! Ano ba ang nangyayari sa kanya? "Don't worry, Violet, I'm harmless." Hindi niya ito gagawan ng masama kahit na nakikita niyang hindi ito tutol kung aangkinin niya ito ngayon. "May kasama ka ba rito?"
Umiling ito.
"Bakit hindi naka-lock ang pinto sa ibaba gayung nag-iisa ka lang pala rito."
Napakamot ito sa ulo. "Nakalimutan ko lang. Noong unang linggo kasi ay kasama ko pa si Mama Criselda. Ngayon, mag-isa na lang ako."
"In that case, I'd like to send in my application as your housemate, if it's okay with you. If you're still worried, I'll bring my NBI and police clearance tomorrow and—"
"Hindi na kailangan. Naniniwala akong mabuti kang tao, Keat. P-pero bakit gusto mo akong makasama? Tiyak kong may sarili kang bahay." Malinaw na hindi nito inaasahang marinig ang mga sinabi niya.
"In an exclusive condo, yes, pero nasabi ko na kaninang inihabilin ka sa akin ng Lolo Enrique mo at nangako akong gagabayan ka. Hindi pa ako sumira sa pangako, Violet."
Kumurba ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga. Ngiting gustong magpaurong sa kanya. The woman was the she-devil reincarnate. Hindi niya gusto ang kislap na nagniningning sa mga mata nito.
"Inaasahan kong hindi ka sisira sa pangako kailanman, Keaton. Panghahawakan ko iyan." Tumingkayad ito at kinubkob ang mukha niya. "Ang guwapo mo pa rin hanggang ngayon. Nasaan na ang kasama mong nanghingi ng gayuma?"
Iglap niyang binitiwan si Violet at lumayo ng ilang hakbang dito. "She's happily married now."
"Sa lalaking—"
"Yes," he cut her off.
"Yes!" biglang bulalas nito na ikinagulat niya. "Sila rin ang nagkatuluyan kahit na hindi natuloy ang pagpapamisa ko. Huwag kang mag-alala hindi naman kayo bagay. Mas bagay tayo."
Tumiim ang labi niya. "Matulog ka na, Violet. Ako na ang bahala sa sarili ko." Pagkasabi niyon ay lumabas na siya ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
Possessive 6: SCHEME (Preview)
Romance**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, NBS, Expressions, and Pandayan** Scheme. The blue-eyed Keaton came up with a crazy scheme just to get what he wanted. Gusto niyang makuha ang lupang minana ni Violet mul...