" Talaga bang wala kang pakikinggan na gunggong ka?!"
Umalingawngaw ang boses ng Lolo ni Noah sa buong kabahayan. Sa laki ng bahay ng Lolo nya ay talagang mahihilo ka sa taas ng ceiling nito. Mala-palasyo ang bahay nito at minsan lamang sila magkakitaan pero kapag nagsalita na ito at sinigawan sya, kahit yata sa pavilion ng bahay ay rinig ang Lolo nya.
"Anong sasabihin ng Papa mo kapag naipatalo mo ang condo mong bwisit ka?! I-cancel mo 'yan kung ayaw mong samain ka sa akin" namumula na sa galit ang Lolo nya habang pinapagalitan sya.
"Wowo piso lang naman yun kay Papa eh at saka 15 million lang naman yun. Ok lang yun. Wala ka bang bilib sa akin? Maiipanalo ko yun" abot hanggang tenga ang ngiti ni Noah habang nakangiti sa Lolo nya pero hindi kumbinsido ang Lolo nya.
Ipinusta nya lang naman ang condo nya sa drag race. Sigurado syang mananalo sya dahil hindi naman masyadong magaling magmotor si Chard, ang kaibigan nyang makakalaban nya. Magbuhay yata ng makina ay hindi pa marunong. Malaki ang laban nya.
" I-cancel mo! Wala talaga akong bilib sa'yo, kakapatalo mo lang ng audi mo ah! Nung isang linggo. Akala mo ba'y tumatae ang Papa mo ng pera?" Sa sinabi ng Lolo nya ay tuluyan na syang umalis. Magsisimula na ang race mamaya, kapag nahuli sya, lalong malaki ang mawawala sa kanya.
"Damn man! Bilib ako sa fighting spirit mo! Ang mahal ng condo mo tapos yun talaga ipupusta mo?" Tanong ng kaibigan nyang si Shua. Nasa harapan nya ito na chinicheck ang Ducati nya.
"Tss. Mananalo ako dito, the last time I checked Chard's didn't know how to start an engine" tapos mahina syang humagikhik. Napapailing lamang si Shua na nakatingin sa kanya habang nasa tabi nito ay si CK na hindi makapaniwala ang titig sa kanya.
"S-si Chard? Sigurado ka ba dyan Noah? Kasi---" hindi na pinatapos ni Noah ang sasabihin ni CK at pinatahimik na ito. Nagsimula ang karera na si Noah ang nangunguna, sumisigaw pa ito habang nililingon ang kaibigan na nasa likod nya. Sa pagmamayabang ay itinaas pa nya ang kamay habang tumatakbo and with that, nakakuha ng tyempo si Chard, naungusan sya nito.
"Oh shit!" Gulat na sambit ni Noah na lalong binilisan ang pagpapatakbo, pero hindi na sya makaabot dahil binibilisan pa ni Chard lalo.
"Fvck! Fvck!" Sigaw nya nang marating na ni Chard ang finish line at ito ang nanalo. This can't be! No fvcking hell way.
He remove his helmet shamelessly. Chard is just smirking at the thought. Oh Man! Mapapatay sya ng Lolo nya!
Kaagad lumapit sa kanya si Shua at CK na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa."Told ya'" tipid na sabi lamang ni CK at tinapik-tapik ang balikat nya. He's in disbelief, paanong nangyareng nanalo si Chard sa kanya? Hell no!
Lumapit sya sa pwesto ng mga ito, he's surrounded with their peers. Especially, Uno na umapir talaga sa kanya ng manalo si Chard.
"Gyu, paanong nangyare?" Hindi talaga sya makapaniwala
"Bakit mo kasi itinaas ang kamay mo? Nag overtake tuloy ako. Your fault" ani ng kaibigan at kinausap na ang mga kaibigan nila.
----
"YOU are nothing but a pain in the ass! I told you Elias Noah to cancel that fvcking bet!" Napahawak sa batok nito ang Lolo nya. Oh shit! Nakita na nyang mangyayare 'to. Tsk! Kaagad lumapit and PA nito na inabutan ang Lolo nya ng tubig.
"Noah, umalis ka muna please. Lalo lamang sasama ang loob ng Lolo mo pag nakita ka." Nangungusap na sabi ng nito. Marahan syang tumango at walang sabi-sabi na umalis sa mansyon nito. Saan sya ngayon pupulutin? Kukunin na ni Chard ang condo nya. Haaays! Kapag minamalas ka nga naman oh!
YOU ARE READING
TINGLOY SERIES 1: AND I CAUGHT YOU
HumorElias Noah is the son of the famous company of Yacht in his generation. The man is hot headed and always lose his temper when he talk to someone. He loves fishing and it is his pass time when he is in his private yacht. He loves his alone time in t...