"Ingat PJ ha! Umuwi kaagad" sabi ng Ina ni Pj na nasa dalampasigan at nasa likuran nya. Inaayos nya pa ang gagamiting pamanà at saka ang goggles na dala nya. Maliit lang na bangka ang dala nya na walang makina at tanging sagwan lamang ang paraan para mapatakbo ito. Sa pinaka laot pa sya mamana dahil malinaw ang tubig doon at talagang mas malalaking isda ang mahuhuli nya kapag doon sya namanà."Si Nanay naman parang bata ang kausap. 25 na ako no." Kantyaw nya sya Ina na siniringa lamang sya
Kumaway pa sya sa Ina bago nagsimulang magsagwan. Tirik na ang araw noon at talagang masakit sa balat kapag nasisinagan ng araw pero wala namang pakialam si PJ. Natural nang maputi ang balat nya at kapag natatamaan ng araw ay namumula lang. Ewan ba nya, sa dagat sya lumaki pero talagang maputi sya. Nagmana kasi sya sa Lola nyang 1/4 sa dugo ang Chinese, siguro kaya ganon.
"WOOOHHHHH!!!!!" sigaw nya at tumayo pa at itinaas ang kamay. Maganda ang araw na ito para sa kanya, kalmado ang dagat at pakiramdam nya ay may mahuhuli talaga sya ngayon.
Nagsagwan lang sya ng nagsagwan hanggang sa umabot na sya sa pinakamalayong parte ng dagat. Hindi sya takot, kung tutuusin kaibigan sya ng dagat, may rason sya at yun ang pinaniniwalaan nya.
Naglabas sya ng bulaklak ng santan at inilagay iyon sa ibabaw ng tubig.
"Haring Dagat. Salamat sa lahat! Eto ang regalo ko para sa'yo. Lagi mo akong iingatan okay?" Sabi nya na parang baliw na kinakausap ang sarili. T'wing pumupunta sya ng laot ay ganoon ang ginagawa nya. May utang na loob sya sa dagat.
"Yaaah!" Palahaw nya pagkapatak nya ang angkla sa ilalim ng dagat. Kailangan iyon para hindi maanod ang bangka nya para mamaya ay may babalikan sya kapag marami na syang nahuli.
Saglit syang natigilan nang mapansin ang yate na hindi kalayuan ng bangka nya. Napakagand ang yate iyon at hindi ordinaryong yate. Para napakasarap tirhan niyon dahil mayroong shield ang taas nito at may sofa rin sa pinakataas na bahagi. May lamesa rin doon at para bang customize talaga ang yate para matirhan ng kung sino.
"Ang yaman siguro ng may-ari nito" aniya
Inilabas nya ang sibat nya at isinuot ang flippers nya, isinuot nya rin ang goggles nya at saka lumukso pailalim ng dagat.
Hindi pa nagtatagal ay nakita nya ang isang malaking isda at akmang sisibatin pero nakailagay ito. Napailing sya.
Lumangoy sya ng lumangoy hanggang sa makakita ulit sya ng isa pang isda at sablay uli ang pagsibat nya. Sa pagkakataon iyon ay may napansin syang kakaiba na lumulutang sa tubig.
Ano 'to?
Umiilaw iyon dahil nagrereflect sa sikat ng araw. Para iyong histurang hipon na hindi nya maintindihan. Sa sobrang pagtataka ay hinawakan nya pa at napaimpit na lang sya nang malamang kawil pala iyon. Ang tanga.
May humihigit pataas at talagang napakasakit niyon. Napapikit ng mariin si PJ habang pilit tinatanggal ang kawil sa kamay nya pero patuloy lang itong bumabaon dahil hinihila ng tao na nasa itaas. Masakit masakit
Nagpanic na sya. Mamatay sya dito sa ilalim kapag ganito. Tinanggal nya ang goggles at saka hinila ang tansi papunta sa kanya pero malakas ang humihila sa ibabaw ng dagat. Hanggang sa nahila na sya papunta palapit sa yate.
Wala na syang lakas. Masakit ang kamay nya dahil na pwersa nang husto ang palad nya na malamang dudugo pag wala na sya sa tubig. Talagang nakabaon ang buong kawil sa kamay nya. (Kawil is bait. Yung parang (?) ganyan ang shape sa question mark.)
Humawak sya sa railing ng yate at rinig nyang suminghap ang taong humihila sa kanya. Wala syang balak lumingon, she just want to breathe. Ang tagal nya sa ilalim ng dagat.
YOU ARE READING
TINGLOY SERIES 1: AND I CAUGHT YOU
HumorElias Noah is the son of the famous company of Yacht in his generation. The man is hot headed and always lose his temper when he talk to someone. He loves fishing and it is his pass time when he is in his private yacht. He loves his alone time in t...