CLEIGH'S
Pinagmamasdan ko ang subject teacher namin sa English na palakad lakad sa harapan ng klase. It's been already 3 hours since she started discussing, and until now di pa sya tapos.
"Then,i will expect a report about our topic today next week." Sabi nya habang inaayos ang gamit nya. Humarap sya sa klase at "Okay class, Dismiss." Anunsyo nya.
"Tara sa canteen. Nagutom ako." Reklamo ni Evony habang lumalakad palapit sa akin.
"Lizgoo. " Pang aasar kong sagot sa kanya.
"Hintayin nyoko mga boang" sabi ni Creisha sabay talon at umakbay samin ni Evon.
"Tayo ulet magkakasama sa report" sabi ni Creisha
"Oo naman, baka bumagsak ka pag wala kang kasama" pang aasar naman ni Evon sa kanya.
"Ha! Kung makapagsalita to, magaling ka men?" Paasar naman na sagot ni Creisha sa kanya.Nagpatuloy sila sa pag-aasaran hanggang sa makarating kami sa canteen.
Hi, Im Cleigh Domingo. 16 years old.
Evony and Creisha are my best friends since i was 6. Their family is close to mine so we become more closer.
" Anong sa inyo? " Tanong ko habang naka tingin sa mga paninda sa Canteen.
"Pancit tayo mare, di ako kumain ng almusal. " Kamot ulong wika ni Creisha.
"Kol!" Sabay na sigaw namin ni Evony.
"Mga bonak kelangan pa bang sumigaw ha?! Kelangan!?" Inis na sita samin ni Creisha. Di na namin sya pinansin at nagderetso na sa pila.
Habang nasa pila, naririnig namin ang mga usapan ng mga tulad naming studyante.
"lalaban pala sila Ashleigh sa Basketball! Excited na akong mapanuood si bebe Ashleigh ko!!!" kinikilig na sambit ng isa.
"Gaga akin yon!" Sabat naman ng kasama nya.
"Ah,basta! Hati na lang tayo sa kanya. HAHAHAHAHAHA" malakas na tawanan ng mga babaeng nasa harap namin.
Hindi nagtagal ay nasa pilihan na kami.
"Tita, tatlong order po ng Pancit, yung sabaw po a?" Nakangiting sabi ni Evony kay Tita Gela, tindera sa Canteen namin.
"Oo naman,Ineng. Basta kayo!" Masayang sambit ni Tita Gela.
Hindi din nagtagal ay nakuha na namin ang mga order namin at lumabas ng Canteen para tignan kung may bakanteng bench.
Pumwesto kami sa may tabi ng stage dahil hindi masyado mainit at mahangin din don.
"Sasali ba kayo sa Intrams?" Ngumunguyang tanong ni Evony samin.
"Oo naman. Wala naman na tayong ibang player sa Grade level natin para lumaban. Tayo naman ang trinain ni Sir Marc diba?" Walang ganang sambit ko.
"Sabagay. Tsaka ano, train na den natin yon sa paparating na City Meet at Inter High." wika ni Creisha.
Kaming tatlo ay ang Star Player ng Volleyball sa School namin. Si Creisha ang Setter, dahil may katangkaran sya. Si Evon naman ang Spiker dahil sa lakas ng palo at timing nya sa bola. Tulad ni Kristel, matangkad din sya, pero mas matangkad ng konti si Creisha. Ako naman ang libero. Sa totoo lang, ako ang pinaka matangkad sa amin tatlo. Natrain din ako bilang open spiker kaso mas gusto ko ang pagiging libero.
"Hoy!" Sigaw sabaw kalabit sa akin ni Evony dahilan para bumalik ako sa reyalidad"
"Ano ba!" Inis na sigaw ko sakanya.
YOU ARE READING
You Have Me Until Every Last Star in the Galaxy Dies
Teen FictionMinsan ba sa buhay mo nagparaya ka na? Nag give ka? Nagparaya ka na ba kahit alam mong ang kapalit ay ang sarili mong kaligayahan? Kailangan bang laging ikaw ang mag sasakripisyo para sa iba? Kailangan bang gawin mong nakakaawa ang sarili, para sa...