CLEIGH'S POINT OF VIEW
"Bye Ma!" Paalam ko bago ako pumasok sa sasakyan at binato sa likod ang bag kong dala.
Kagaya ng sabi samin kahapon, ngayon ang simula ng training namin kaya naman binaon ko nalang ang mga gagamitin ko mamaya para sa training.
Hindi na din ako nagmotor dahil sigurado akong mapapapagod ako mamaya. Ganon din sila Evony at Creisha.
Habang nasa byahe, chinat ko muna silang dalawa oara tanungin kung nasan na sila.
Me:
San ka na?Creisha:
Dito na me, wer na u?Evony:
Jeje ampota. Malapit nako sa School @Cleigh, kita kita tayo sa gate.Nagreact na lang ako ng like emoticon sa chat nya at di na nagreply. Ganon din si Creisha.
Hindi din nagtagal ang byahe dahil di din naman kalayuan ang bahay namin sa School.
Saktong paglabas ko sa sasakyan ay saktong pagdating din nila Evony at Creisha.
"Oys sakto lang aa." nakangiting sabi ni Evony bago sinara ang sasakyang ginamit nila.
"Di mo sure." Mapang asar kong sagot bago tumawid ng kalsada at tumabi sa kanilang dalawa.
Gaya ko ay naka sibilyan lang sila at dala na ang mga gamit nila para mamaya.
Sabay sabhay kaming pumasok. Nginitian din kami ng gwardya bago tuluyang pumasok. Dumeretso agad kami sa Room namin at ilagay sa locker ang mga naglalakihang bag namin.
"Ahm, Cleigh, tawag ka sa Principal's Office. Andito kanina si Principal kaso wala ka pa. Hintayin ka na lang daw nya sa office nya." ani ni Roxanne sakin habang naka harap ako sa locker ko.
Si Roxanne ay ang Class president namin.
Mabait yan at freindly. Minsan nga lang, ayaw mabiro."Bakit daw Mayora?" Sabi ko at humarap sa kanya. Tulad ng dati, naka uniporme ito ng palda ay blouse.
"Di ko alam eh. Punta ka nalang pag tapos ka na sa ginagawa mo ah?" sabi nya at tumango naman ako. Tumalikod ako at kinuha ang ID ko sa loob ng locker.
Kinalabit ko si Evony para magpaalam. "Principal's Office lang ako." Tumango naman sya kaya lumabas na agad ako.
Habang naglalakad patungo sa Office ng Principal, nagkalat ang mga studyanteng naglilinis sa kani kanilang grupo. May mga studyanteng papasok palang at di pa nakapag susuklay. May mga studyante ding sigang naka tambay sa may stage ate sa Flag pole.
Natural na itong pangyayari sa loob ng paaralan.
Kumilo muna ako bago tinungo ang pasilyo palikod na maghahatid sa akin sa aking destinasyon.
Malapit na ako sa may Office ng makita ko ang nagkukumpulang studyante sa may side na parte ng Principal's Office. Sinitsitan ko ang isa at sinenyasan na silang bumalik sa kani-kanilang room. Sumunod naman sila kaya nagderetso ako sa tapat ng pinto.
"Who's there?" striktong tanong ng Principal sa akin.
"Im Miss Domingo Maam, Roxanne told me that you need me?"
"Oh Miss Domingo, come in. " ani nya.
Sa pag aakalang iisa lamang sya sa loob ng silid, ay nabigla ako ng makita ko ang isang lalaki. Nakaupo ita at nakatalikod sa akin.
YOU ARE READING
You Have Me Until Every Last Star in the Galaxy Dies
Genç KurguMinsan ba sa buhay mo nagparaya ka na? Nag give ka? Nagparaya ka na ba kahit alam mong ang kapalit ay ang sarili mong kaligayahan? Kailangan bang laging ikaw ang mag sasakripisyo para sa iba? Kailangan bang gawin mong nakakaawa ang sarili, para sa...