Haunted House
Hindi alam ni Izzy kung ano ang mararamdaman niya ng makita niya si Brent na may kahalikang iba.Gusto niyang tanungin sa sarili niya kung may kulang ba sakanya.Binigay niya naman ang lahat well maliban sa virginity niya dahil gusto niyang ibigay ito sa araw ng kasal nila pero mukhang wala yatang kasalan na magaganap dahil winasak nito ang puso niya.Gustuhin niya mang wag masaktan pero napakaimposibleng mangyari yun dahil mahal niya yung tao.
" Bes, Kalimutan mo na yung gagong yun!Hindi siya worth it ng luha mo! " nandito siya ngayon sa bahay ng kaibigan niyang si Jane dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta matapos niyang makita ang pinakamasakit na pangyayari ng buhay niya.
" FUCK YOU BRENT FOR BREAKING MY PRECIOUS HEART!" puno ng hinanakit niyang sabi habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.
" Hoy bes! Yung laway mo uy tumatalsik gaga! " napatigil siya sa mage-emote ng marinig ang sinabi ng kaibigan.Nahihiyang pinunasan niya ang bibig niyang may laway.
" Sorry naman! Nage-emote lang eh panira toh! " may halong inis niyang sabi dahil hindi pa siya tapos magemote dahil sa gagong brent nayun.
" Hay bes kahit lumuha kapa ng isang balde diyan hindi mababago ang katotohanang gago yung jowa mo! Jusko naman teh nagkalat kapa talaga dito sa bahay ko! " sabi niya habang padabog na nililinisan ang kalat sa sala ng bahay.
" Bes naman! Nage-emote yung tao dito dapat you comfort comfort me! " parang batang sabi ni Izzy sa kanya.Inirapan lang ito ng gaga bago nagpatuloy sa paglilinis.
" Tigilan mo ako sa pinagsasabi mo dyan kahit anong gawin mo walang magbabago masakit parin! Lalo na kung binigay mona ang lahat pero hindi parin sapat!" hugot ni Jane dahil naranasan niya na ang ganong bagay.Hindi lang alam ng kaibigan niya dahil siya yung tipo ng tao na masekreto.Yung tipong kung magmahal ay wagas pero matatapos rin pala sa salitang WAKAS.CHAR!
" Bes ang sakit sakit. Yung sakit na hindi ko kayang labanan.Yung sakit na gustong gusto kong takasan pero hindi pwede kasi andito na" saad ni Izzy sabay turo sa puso niya. " Nakatatak na siya dito na kahit anong gawin ko masasaktan at masasaktan parin ako" hindi alam ni Jane kung anong gagawin niya para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng kaibigan niya.She comforted her friend by hugging her tightly.
" Shh...Huwag kanang umiyak sige ka magmukha kang gorilla diyan " pagbibiro niya para pagaanin ang loob nito. " Parang tanga ka naman bes eh! Seryoso yung tao dito oh tapos magbibiro ka diyan gaga ka talaga " reklamo ni Izzy pero nakangiti ito dahil sa kaibigan.
YOU ARE READING
Haunted House|| One-Shot
SonstigesNung araw nayun wasak ang puso ng dalagang si Izzy dahil niloko siya ng limang taong boyfriend niya na si Brent.Gusto niya mamatay dahil sa sakit pero dahil sa mga kaibigan niya napunta siya sa isang kilalang haunted house dito sa isang theme park.H...