Kabanata 5

268 24 32
                                    

This chapter is dedicated to: cvillaflor

__________

"I'm sorry for my girlfriend."

That was what I heard from Spencer before leaving them without saying anything. Hindi na ako nag-abalang itama pa ang sinabi ni Spence.

Tell me I'm rude but I can't stand Maverick's eyes. I can't believe him.

Muli kong naalala iyon nang makita ang bulto niya ilang metro lang ang layo sa amin.

Wearing a black three piece suit, he manly walked towards the slightly elevated stage in front. Naiwan sa kinauupuan nila ang babaeng kasama niya. The same woman earlier, now wearing a beige plunging neckline gown. Niyayakap nang gown niya ang bawat kurba ng kanyang katawan.

Wala sa sariling bumaba ang aking tingin sa aking suot. I'm wearing a midnight blue sweetheart strapless gown with a high slit on its side, complimenting Spencer's suit.

I'm wearing a nude lipstick and I'm not used in using one. Kaya naman binasa ko ang aking labi nang maramdamang nanunuyo iyon.

"You're really beautiful in that gown, Rylli," I stilled when from his seat, Spencer leaned on my ear as he whispered. The tip of his nose swiftly brushed in my jaw.

Nawala kay Maverick na nagsasalita sa stage ang aking atensyon dahil sa sinabi ni Spencer.

I saw my mother who's seating in front of me, with my father on her side, raised a brow on what Spencer did.

Kaming apat lang ang nasa table na ito. The table is near in front of the stage, just beside where Maverick and his girlfriend's seating.

I looked at Spencer, ignoring Mommy's stares. Kunot ang noo ko siyang tinignan.

"Sana araw-araw ka na lang nakagown, para araw-araw kang maganda." His lips tugged into an annoying smirk.

Namimilog ang mga matang inakmaan ko siya ng aking kamao. "Gusto mong suntukin kita?" Nagngingitngit ang mga ngiping angil ko.

"Amaryllis," naeeskandalong saway sa akin ni Mommy nang mahuli ang aking ginawa.

He chuckled. "Joke lang!" Tinabig niya ang aking kamay upang ibaba iyon. "Pero totoo, ang ganda mo, Rylli." Muling sambit niya. Hindi ko alam kung narinig iyon ni Mommy ngunit nahuli ko ang pag-ikot ng kanyang mga mata sa gawi ni Spencer.

Pinili kong ignorahin ang mga reaksyon ni Mommy.

My brow raised at him. "Hoy, Spencer. Alam ko 'yung mga salitaan mong 'yan. Umayos ka, tigil-tigilan mo 'ko, ha."

"Hoy, hindi kita type, kung 'yan iniisip mo," depensa niya.

"Really?" I smirked as I thought of something to annoy him.

Tumikhim ako. My hand slowly crawled on his lap. Hindi ganoon kalayo ang pagitan ng upuan namin kaya naman abot na abot ko ang kanyang hita.

I caressed his lap while my eyes are looking at him, still with a seductive smirk in my lips, I don't know if it looks seductive though. He's wearing slacks, I know he can feel my caress.

Namimilog ang mga matang nilingon niya ako. "What the fuck, Rylli!" Para siyang binuhusan ng tubig na napalayo sa akin.

Natatawa kong tinanggal ang kamay sa kanyang hita. He's a man, Rylli.

"Amaryllis, he's announcing the partnership."

Napabaling ako kay Mommy nang marinig siya. "Huh?" Nagtatakang tanong ko, hindi agad nakuha ang sinabi niya dahil sa pagkaokupado kay Spencer.

Hope ur ok (Sour Hour Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon