"There are two contrasting realms. The realm of day where everything is bright and the realm of night where everything is under the dark. But what if the realms of day and night, two different world coming from two opposite poles mingled during this time?" My forehead creased as I read the last phrase of the book that I am reading
"Jisoo! Bumaba ka na dyan. Breakfast is ready" Napabuntong hininga ako sa magkasabay na sigaw at katok sa pinto ng kwarto. Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa pero mukhang hindi na talaga makapaghintay ang isang to dahil palakas ng palakas ang katok at sigaw nya
"Jineah Soulle! Yuhoo" Ibinaba ko ang libro sa side table at naglakad papunta sa pinto para buksan ito.
Bumungad sakin ang nakangising mukha ni Jin. Tinignan ko lang sya na sya yatang naging dahilan ng paglawak lalo ng ngiti sa labi nya. Mukha syang clown
"Bakit? Gwapong gwapo ka na naman sa mukha ko?" Preskong tanong nya pabalik. Napangiwi naman ako
"San banda? Mula ulo mukhang paa?"
"Hoy! Napakasama ng ugali mo ha. Kung magiging babae ako mas maganda pa ko sayo tandaan mo yan" naglakad na ako pababa at sumunod naman sya sakin habang patuloy ang pagrereklamo. Hindi yata lilipas ang isang araw nang hindi sya nagbubuhat ng sariling bangko
Pagdating sa kitchen ay nakahanda na ang dalawang plato at sa gitna ay may nakaserve na fried rice, bacon, hotdog and egg. Nagutom tuloy ako bigla
"Kaso hindi ka naging babae. Bakla lang ganon?" Pang iinis ko sa kanya.
"Sa gwapo kong to, bakla? Baka madaming nagkakandarapang babae sa mukha to" pagmamalaki nya kaya tinignan ko lang sya nang nandidiri
"Di kasi sila aware kung gano ka kabaduy" sabi ko habang sumusubo ng pagkain na niluto nya
"Ha! Wala kang respeto sa nakakagwapo sayo. Baka ako nagluto ng kinakain mo?" Hindi makapaniwalang sambit nya. Napaka OA talaga
"Joke lang. Alam mo namang ikaw ang pinakagwapo sa lahat ng lalaking nakita ng mga mata ko, KUYA!" Napapangiwing sabi ko at pinagdiinan ang huling salita. Todo ngiti naman ang isinukli nya sakin. Yung ngiting akala mo nagyayabang
"Yan ganyan. At syempre dahil ako ang panganay, di ko sasabihing maganda ka. Kasi nakuha ko na lahat ng kagandahan at kagwapuhan. Kumbaga latak ka nalang" sabi nya na parang siraulong tatawa tawa pa. Feeling ko talaga bakla an isang to. Buti nalang hindi kami magka ugali. Baka isipin kong tomboy ako.
"Nakakahiya naman sayo Jian Niko Sargon. Baka magkamukha tayo" sabi ko nang di mapigilan ang ang pag ikot ng mga mata sa sobrang presko ng kapatid ko. Montik na akong liparin sa sobrang lakas ng hangin nya
"Well wala tayong magagawa dyan. Kumbaga ako yung original, ikaw copy paste lang" montik na akong mabulunan sa sinabi nya kaya agad nya akong inabutan ng glass of water habang tumatawa. Mababaliw yata ako kapag ito palagi ang makakasama ko. Or worst, baka mahawa pa ako sa kapreskuhan nya
"Nakakatawa yang joke mo" Walang ganang sambit ko. Ngunit sa halip na mainis ay lalo pa syang tumawa. Nakakaloko.
"Mukha bang nakakatawa ang mukhang to? Sobrang gwapo ko kaya. Obvious naman sa mukha" hays, assuming.
"Alangan namang sa paa" Pamimilosopo ko sa kanya kaya naman biglang sumama ang mukha nya at di ko mapigilang matawa. Kahit kailan ang hilig nyangmang alaska pero sya naman itong pikon. "Joke lang" dagdag ko pang nang tignan nya ako ng masama
"Ang pangit mong magjoke" Wow naman talaga. Hiyang hiya ako
"Okay serious na ko" sabi nya at biglang sumeryoso
YOU ARE READING
NEVER NEVER (BTSXBLACKPINK/VSoo)
FanfictionBangtan City is an organized city. Everyone are well behaved and almost everything are perfect. But not everything you see is everything that lies inside the city. Everyone, every place and every person has their dark side. In Bangtan City, no one f...