Chapter 1

36 0 0
                                    

Tinignan ko ang laman ng package na dumating sakin last week. It's a map of I don't know what and an identification card. Nakalagay don ang buong pangalan ko at mayroon din picture ko. I was shocked at first because I don't remember getting an identification card here in the Philippines yet and based on the photo, it was taken years ago. Sa taas ng ID ay may nakasulat na "BANGTAN CITY" in a bold text

Tinignan ko ang mapa at hindi nga ako nagkamali. It's a map of Bangtan city. Ang ipinagtataka ko ay meron talaga syang direction from my place to the said city. There's not even an address where this package came from but one thing I know is that this is from that guy because there's a note that says "Welcome to Helldom, our angel" there's no one I know who would say that other than him

Kinuha ko ang package pati na rin ang susi ng kotse na binigay sakin ni Jin. He told me that it was originally mine, pagkatapos ay hinila ko ang maliit kong maleta.

Kahapon pa nakahanda ang mga gamit ko. Ang totoo ay nagdadalawang isip din akong magpunta sa Bangtan City. It somehow creeps me out. That unknown guy, the package and that city. It gives me a weird feeling.

Paano nalang kung nantitrip lang pala ang lalaki na yon, tapos isa pala itong trap? But it doesn't make sense at all. Why would he do that to me? At kapag magkausap kami ay parang kilalang kilala nya ako like he will be the key to regain parts of me that I lost in the past.

But then I decided to go. There's no room here for fear. Afterall, the reason I came back here is to remember. But this lonely big house won't help me.

"Ma'am? San po kayo pupunta?" Tanong sakin nang housemaid. I smiled at her.

"I'm going to boracay po"I said, dahil yun ang madalas na naririnig ko sa mga americans dati na maganda daw puntahan sa Pilipinas. "I'm going to stay there for quite a long time. Don't worry nasabi ko naman na po kay Jin at pinayagan nya ako." Pagsisinungaling ko

I know Jin won't let me go this time. But I have to do this.

"Ganon ba ma'am? Sige. Mag iingat kayo" I smiled and nodded. Tinulungan pa nya akong ilagay ang maleta ko sa kotse. Nang makasakay ako sa driver's seat ay sinulyapan ko pa sya at ang bahay.

I'm sorry, Jin.

Ilang oras na ang binyahe ko pero hindi ko parin nararating ang Bangtan City. Sa tingin ko nga ay naligaw pa ako. Parang wala naman kasing ganitong lugar.

Napansin ko din na parang paulit ulit lang ang nakikita ko sa paligid. Pagkatapos ko madaanan ang daan na puro puna ay bumabalik lang ako sa konting bahayan sa lugar

Huminto ako sa isang tindahan. Ito ang pinakatadandaan ko dahil halos magkakaparehas lang ang bahay dito pero nag iisa lang ang tindahan na to.

Mataas pa ang silat ng araw. May babaeng nagpapaypay habang sa tingin ko ay nag iihaw sya ng barbeque at hotdog. Meron din nakadisplay na mga pagkain sa likod nya at katabi naman nito ang isang tindahan. May mga ilan ding bumibili sa kanya kaya naman dumiretyo nalang ako sa tindahan upang magtanong

Napahinto ang babae sa loob ng tindahan nang makita ako kaya agad akong ngumiti sa kanya.

"Hi po" bati ko dito

"Anong bibilhin mo, hija?" Nakangiting tanong nya na para bang manghang mangha sa mukha ko

"Uhmm. Magtatanong lang po sana ako kung pwede. Alam nyo po ba kung saan ang Bangtan City?" Tanong ko

"Bangtan City?" Tanong nya pabalik na parang iniisip kung alam ba nya ang lugar na yon o hindi

"Nako, ngayon ko lang natinig ang lugar na yon, Hija. Pasensya ka na"

NEVER NEVER (BTSXBLACKPINK/VSoo) Where stories live. Discover now