1

31 0 0
                                    

"Jane!" tawag sakin ng isa sa mga classmates ko mula sa labas ng room.

"Pumunta ka daw sa faculty. Tawag ka ni Sir De Guzman. May iuutos ata sayo"

Kasalakuyan akong nagsusulat ngayon sa board ng lectures namin sa araling panlipunan. Secretary kasi ako, pero vice president talaga ako na elect, pero madalas president ang nagiging papel ko. All around eh.

Madalas ako utusan ng mga teachers. Pasulat ng lectures sa board, class record nila, exams ng ibang section, pati pagkuha ng lunch nila inuutos. Wala na ata silang ginagawa eh.

Di ko naman talaga gusto mautusan. Sa bahay nga, malapit na kong palayasin ng nanay ko dahil sa sobrang tigas ng ulo ko e.

Kaya lang ako pumapayag dito sa school, kasi yung room namin nasang dulong dulo ng corridor tapos dadaan ka pa muna ng madaming rooms, bababa ng ilang floors, papasok ng library, tsaka ka palang makakapunta ng facullty.

Pahirap diba? Haha. Pero ayos lang. Kahit na pabalik balik ako sa faculty, ang mahalaga, dumadaan ako sa library. Aba! May reason naman kasi ako para dumaan diba? Di naman siguro nya iisipin na iniistalk ko sya.

Di naman kasi talaga.

Di talaga.

Onti lang. As in onting onti. Haha

Siguro naman alam nyo na? Nandun kasi yung crush ko.  Si ano ... Owmay. Jusko. Pangalan pa lang. Ammmmp! Haha

Papunta na ko ngayon sa faculty. Edi syempre dadaan nanaman ako! Kahit ilang beses na kong dumadaan dito, di pa din nawawala yung excitement ko.

Pag pasok ko ng library, hinanap ko kagad sya dun sa table nya. And as ussual! San pa ba sya pupunta? Haha.

Dumaan ako sa harap nya ng kunyari ... KUNYARI walang pakelam sa kanya. KUNYARI wala sya dun.

Pagkalagpas ko, tumingin ulit ako sa kanya. Busy pa din sya kakasulat. Dapat kasi hindi na KUYARI yun eh! Naman kasi nakakatorpe.

-----------------------
Fierce's Point of view next update! Woot wooot

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si  Mr. LibrarianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon