Prolouge

38 2 1
                                    

Nandito nanaman ako sa library. Lagi akong tambay dito.

Minsang gumagawa ng assignments, nagbabasa, nagsusulat. Pero kunyari lang yun.

Sinusundan ko lang kasi sya.. Lagi akong nakaupo dun sa harap para nakikita ko sya. Para na nga akong stalker kahit ako yung babae.

Ayan. Nakangiti nanaman sya. Grabe pamatay talaga. Nakakainlove yung dimples nya, yung mata nya. Actually lahat.

Biglang napatingin ako sa libro na kunyaring binabasa ko. Tumingin kasi sya sakin. Nahalata ata na nakatingin ako. Nanginginig tuloy ako ngayon.

Sumilip ulit ako sa dun sa table nya... Ow shit. Nakatingin sya sakin tapos tumatawa.

Kinabahan ako, kinilig? Naguluhan? Natakot na baka alam nya na tinitignan ko sya? Ewan ko..

Tumayo ako tapos kinuha lahat mng gamit ko. Sa sobrang pagmamadali ko. Nabitawan ko pa yung mga books ko. Oo. Careless ako. Lalo na sa mga gantong sitwasyon.

Naglakad ako ng mabilis palabas ng hindi tumitingin sa kanya.

Nakahinga na ako ng maluwag nung nakalabas ako.

Sino nga ba yun? Sya yung crush ko since 1st year highschool ako. 4th year na ko ngayon pero hangang stalk lang ako.

Sya si Fierce Ron Michael Perez. Maputi, matangkad, tama lang yung laki ng katawan, may dimples. Laging nakasmile. Para syang anghel. Habulin ng chics eh. Student assistant sya dito sa school. Sya ang aking MR. LIBRARIAN

Si  Mr. LibrarianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon