Nakatulala ako sa hangin, habang nag gagaguhan sila sa isa't isa. Mag auaudition kasi si Rachel. Tutal makapal naman daw ang mukha niya... So why not?
Mayroon naman akong kilalang mga agencies na pwede niyang mapasukan. Nag try nadin ako dati so I can teach her naman. But I can't focus right now. The incident yesterday is too...
"Anak sino 'yang kasama mo?" naka cross arms si Eli. Mayroon siyang headband at may nakaipit na damit... para mag mukha siyang nanay.
"Kaibigan ko ma! Friend, mag hi ka samama ko." sambit ni Rachel habang siya ay nakangiti. Tumingin si Ali kay Eli at ngumiti ng pilit. "Hi po tita." Bati niya. Pinaupo ni Rachel si Ali sa dining at hinainan ng ulam. Umupo rin siya at sinaluhan si Ali. Napakunot ng noo si Eli.
"Anak masarap ba ang pagkain?" tanong ni Eli. "Opo, diba Ali?" pabalik niyang tanong kay Ali. "Yes po." at nanahimik nang muli si Ali.
"Tapos mo na ba ang mga projects mo?" Eli asked Rachel.
Napakunot ang noo ni Rachel "Ma 'wag ngayon, may bisita ako."
"Bakit ka nahihiya, siya ba nag papalamon sa'yo?"
"Ma! diba sabi ko 'wag ngayon?!"
Nahot seat si Ali bigla. "Hala wait, sandali lang..." natatarantang sabi ni Ali. Ewan dito sa mga ito, hindi ko maintindihan kung nag seseryoso ba.
"Ok lang 'to ako nang bahala, kumain kalang diyan."
"Ay kakaiba, wow palamunin!" sigaw ni Eli.
"Bakit ka ba nangengealam? Sana hindi nalang kita naging mama!" sigaw pabalik ni Rachel.
I can't focus... I can't stop thinking about it... "Sana nilu-"
"Good morning Sunshine..." someone talked. Ang sarap ng tulog ko... Eto na ang pinaka masarap na tulog ko this year. In fairness ang lambot ng kama ko ah...
"You had a goodnight's sleep don't you?" Umupo ako... Nag tataka parin kung sino ang nag sasalita. Baka dala lang ng sakit ng ulo ko. Gusto ko ulit matulog. Hiniga ko ulit ang sarili ko dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover ko kagabi.
Niyakap ko ang unan na katabi ko. At binaon ko ang leeg ko rito. Ang bango bango, kaso basa. Ahm... Bakit ang tigas niya, para sa isang unan? "Masarap ba?" Biglang namulat ang aking mga mata... Ngayon kolang napag tanto na hindi hallucinations ang naririnig ko.
YOU ARE READING
Dare The Love
Teen FictionFriends is friends, lovers is lovers. Dahlia Axerylle Cortez Roshan Dixon Started: August 10,2021 Ended: