Chapter 35

1.9K 84 5
                                    

Camilla pov!!!

" Napaatras ako ng isang beses at nakita ko na mag kayakap sila dahil sa aninong nakikita ko dahil sa harap sila mismo ng entrance ng hanwell ospital, kaya kita ko dahil sa sinag ng araw, napaatras pa ako ng isa pang hakbang nang makita kong lumingon si kiel pero may tumama sa likod ko at narinig ko nalang ang boses ni Allison na kinangiti ko at nag tago ako sa likod nito.

" Ayoko siyang makita, bulong ko kay Allison at aaminin ko gusto kong mag tampo kay kiel dahil feeling ko binalewala niya ako ng minuto, pero masakit pa din pala lalo na nang bumalik sakin ang mga sinabi nila sakin lalo na nang ex wife ni kiel.


"Darling rinig kong tawag ni kiel sakin at umiiling ako dahil sa bumalik lahat ang sakit lalo na nang bumalik sa utak ko ang mga salitang, GINAMIT LANG KITA, HINDI KITA KAILANGAN, UMALIS KANA, THE FAKE GIRLFRIEND, at kung anoh- ano pa, mga salitang tumatak sakin at dun na tumulo ang luha ko sa pisnge dahil sa mga naisip ko isama pa ang pag bubuntis ko kaya very emotional ako sa totoo lang at hinila nako ni Allison at alam kong may kausap ito habang nasa kotse kami na gamit ni Allison.



" Stop crying para kang bata, iritang sabi nito at tumahimik nalang ako at hindi nag salita dahil mas umiyak ako dahil first time na sigawan ako ni Allison sa totoo lang kaya pinipilit ko na wag umiyak ng malakas baka mas lalong magalit ito at sigawan uli ako.



"  tahimik lang ako at malapit na kami sa bahay namin saktong nasa tapat nako ng bahay namin ni kiel pero nasa may gate si ivy at yhuna na pinag taka ko pa, at pinagbuksan pa ko ni yhuna at umalis din agad si Allison na feeling kong galit parin sakin, wala naman akong ginawa eh.



" lika na ivy lock the gate make sure na hindi makakapasok ang playboy na yun, rinig kong sabi ni yhuna, pati ba siya galit din, sabi ng utak ko pero bakit galit silang lahat ganun naba ako ka bad para magalit sila at wala akong idea kung anong nagawa ko eh, nag selos lang naman ako eh.




" Maupo ka jan at papunta na din ang iba dito, sabat naman ni ivy na palakad lakad sa tabi ko kaya alam kong galit din ito pero kanino naman.






" ding!!! Dong!!!





" Rinig ko mula sa labas kaya umalis si ivy habang inabutan ako ni yhuna nang tubig at ininom ko yun at kinapa ko ang bag ko pero wala, chaka ko lang naisip na dala pala ni kiel yun, nandun pa naman yung vitamins ko panoh si baby sa isip isip ko.



" nakayuko lang ako nang makaramdam ng mga tao na papalapit at hindi nako mag tataka kung sino sila dahil sa ingay at pag rereklamo nila at mga tanong, napapikit pa ko nang mag salita si Anastasia na asawa ng attorney na yun, simula ng mabuntis ako aaminin ko para akong humina at bigla bigla nalang nag tatampo or tatahimik na para akong pinapagalitan hindi naman ako ganito dati palasagot ako at aaminin ko na matapang ako pero ngayon hay!! Naiiyak ako talaga.




" Ang kapal ng mukha ng babaing yun bumalik pa dito, rinig kong usapan at nakaupo lang ako nang mag salita naman si Daniella na asawa ni trace kaya ako napalingon.



" wag mong papapasukin si ezikiel sa bahay mo dahil bahay mo ito kaya wala siyang karapatan pati yung company sayo din yun camilla kaya mas ok kung pati yun paalisin mona din dun ang maharot mong asawa hayaan mo siyang maghirap at mamulubi ng mag tanda, sunod- sunod na salita ni daniella isama pa si Sarah na asawa ng kilalang businessman na si Mr. Valiente.




" hayaan mo nalang sila bulong ni yhana sakin ang kambal na kapatid ni yhuna na nakaupo lang sa tabi ko at tumango nalang ako sa totoo lang hindi ko alam kung ilan sila at sino- sino ang kasama ko sa bahay dahil sa pag uusap nila na hindi kona din maintindihan at medyo inantok pa ko kaya sumandal ako at natulog kahit maingay sila at ok lang sakin dahil mas lamang pa din ang pagod at antok na talaga ako.















#12 (EZIKIEL MARTINEZ)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon