First Day Of Slave

88 3 0
                                    

Liana POV

Kararating ko lang dito sa bahay. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko.

Maliit lang 'to pero may single bed naman kahit papaano. May maliit din akong table sa gilid ng kama kung saan nakapatong ang picture ko kasama sina Mama at Papa.

5years old kasi ako no'n nang maaksidente silaat namatay.

Napatingin ako sa damitan ko. Pinaglumaang cabinet ng pinsan kong si Charpie. Wala pang sampu ang damit ko, pulos galing pa sa ukay ukay. Ang doll shoes ko naman na lumang-luma na nag-iisa lang na ginagamit ko pampasok.

Ganito na ba talaga ako kahirap? Tiningnan ko ang coin purse ko. 50 pesosnalang pala ang laman.

Dapat pala sa sabado ipaglaba ko na ulit si Aling Telma para magkaroon ako ng 300pesos.

Pero teka, hindi ba't tinaggap ko na 'yung kontrata ni lance na maging alipin nya? At ang pagkakatanda ko, base dun sa kontrata, 5k a day babayaran ako ni lance. Kyaaaa~

Ibig sabihn pwedena'kong hindi maglaba sa sabado. Pero itutuloy ko pa din ang paggawa ng mga project ng classmate ko. 500 din 'yun.

Syempre mayayaman classmateko eh.

Ganon na kasi gawain ko nung highschoolpa.

Hay, mas mabuting isipin ko na nga lang na sideline ko lang ang pagiging alipin kay lance. No choice naman, kesa matanggal ako sa skul.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dun.

Binuksan ko yun at mabungaran si Charpie.

"Wala ka bang balak na tumulong sa baba?"

Mataray na pagkakasabi niya.

Ang tinutukoy nya ay ang karenderya.

"Bababa na ako. May gagawin lang akong saglit na assignment."

Talaga namang may assignmentpako. Para kahit mapuyat ako mamaya eh, ayos lang.

"Assignment! Pwee! Porket sa OFARU ka nag-aaral, masyado ka ng mayabang."

Aba, aba?

"Wala akong pinagmamayabang sa'yo Charpie".

Tinaasan niya ko ng kilay. "Tse, bilisan mo na dyan at sumunod ka na sa baba!"

Umalis na ang bruha. Ang init talaga ng dugo sa'kin ng babaitang 'yun.

--

Charpie POV

Ay nako! Nakakainis talaga yang liana na 'yan!

Porke ba nakapasok siya sa exclusive school na OFARU, pa-importante na sya?

Ewan, basta ako alam ko makakapasok din ako do'n! Sabi ni Mama, hinihintay lang niya ang padalang pera ng Lolo ko na nasa America. Ako kasi ang unang apo nila sa father side ko.

Bale yang si liana , sa mother side ko sya pinsan. Kaya nga pinatira yan ni Mama dito sa'min. Kung 'di lang sya ulila eh! Hay.

Ako nga pala si Charpie lee. 15 yrs old. HRM sa San Agustin College. Private schooldin pero maliit lang ang tuition. Hindinaman kasi ako pumasang makakuha ng scholar.

'Yang si liana , sinwerte lang talaga 'yan.

Minsan, nagkakayayaan kami ng mga barkada ko na tumambay sa labas ng OFARU, andun kasi ang ultimate crushes namin. Ang guguwapo kaya ng studentsdo'n kaya nga lalong uminit ang dugo ko kay liana kasi dun siya nakapasok. Kainis!

"Charpie , tumulong ka na dito."

"Opo 'ma!"

--

He's My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon