Alipin Nya Parin Ako

44 4 0
                                    

Liana POV

Breaktime..

Alipin , alipin nya parin ako .

"Crush, tara sa tambayan. Dun na tayo mag-breaktime." Yaya ni john dell.

Ano ba naman 'tong si john dell .Crush lang ba talaga ko nito. Well, katabi ko na sya ngayon dito sa room. Bale pinagigitnaan nila ako ni Jane. Ewan ko ba dyan.

"Eh, sabay kami ni Jane eh. Saka, nakakahiya sa kamahalan."

Kamahalan = lance

"Hindi yan. Isama mo nalang si Jane . Matagal ko na 'yang kilala. Elementary pa."

Tumingin sya kay Jane "Di ba Jane?"

Kumunot yung noo ko kay Jane kasi naman para syang namumutla na ewan.

"Jane, may sakit ka ba? Namumutla ka." Tanong ko.

Syempre worried ako.

"Ah, hindi. Hindi. Wala 'to. He-he. " Nauutal na sagot ni Jane.

Alanganin pa yung tawa nya.

"Ano na?" Si john dell parang naiinip na.

Eh kasi naman eh.

"Liana tama si john dell Dun ka sa tambayan mag-breaktime para naman mapagsilbihan mo ako. Bilisan mo jan. Sumunod ka na." sigaw ni lance.

-____-

Langyang lance bigla-bigla nalang magsasalita tapos kung maka-utos wagas!

Pagsisilbihan daw.

Psh.

"Oh narinig mo na ang kamahalan mo. Tara dali." Sabi ni john dell.

Wala na akong nagawa. Paano ba naman hinila na'ko ni john dell. Buti automatic yung isa kong kamay at nahila ko din si Jane Awkward naman kasi kung ako lang. Saka kami lagi ni Jane ang magkasabay mag-break eh. Hindi ko naman siya syempre hahayaang mag-isa lang. Andito na kami sa tambayan ng hwa12.

At raaawwwwrrrr! Ang dami ngang lalake

Ang gugwapo. Haha. Yung iba nakita ko na last time. Madami pala sila.

"Hoy liana ikuha mo ako ng graham sa ref." utos ni lance.

Panira naman 'to ng moment.

"Jane. Pagsilbihan ko lang ang kamahalan ko ha. Kwentuhan muna kayo ni john dell".

Hindi ko magets si Jane. Namumutla talaga eh. Haha.

"John dell, ikaw muna bahala kay Jane. Tinatawag na'ko ng kamahalan." Sabi ko.

"Sige ba."

Aish. John dell ang gwapo mo na, ang bait mo pa, ang friendly mo pa.

IKAW NA!

Kumuha ako sa ref ng graham. Wow lang ha! Ang daming laman ng ref nila. May cake pa. Eh samantalang ako, kapag may birthday lang ako nakakatikim ng cake. Dito, pangmeryenda lang nila. Mayaman nga naman. Lumapit ako kay lance para ibigay 'yung graham na nilagay ko sa platito.

"Anong gagawin ko dyan?" tanong ni lance

Aba? Di ba pinakuha ako ng ugok na'to?

"Sabi mo po ikuha kita ng graham kamahalan."

Konting timpi pa liana!

Inhale

Exhale

"Oo nga." Sagot ni lance

Yun naman pala eh. Ano bang nginangawa nitong si lance? Sabihin niyo lang, talagang babanatan ko na'to sa lungs! Promise!

"O bakit mo tinatanong kung anong gagawin mo dyan? Malamang kakainin."

Nakakapag-pilosopo ako ng wala sa oras eh.

"Alam kong kakainin yan. Subuan mo ako."

O__________O

Ano?

"SUBUAN???" sigaw ko.

Exaggerated ba?

Sorry naman (_ _ )

Ito kasing si lance eh. Napapasigaw ako rito. Langya.

"Naks, lance pa-simple ah!" sabi nung isang hwa12 Alam ko Kenneth name niya eh.

"Style mo lance." Sabi nung isa ring hwa12.

Napatingin ako kay lance na nakangisi sa'kin.

What's with him?

"Subuan mo na ako dali." Pagsusungit ni lance.

Seriously? For real? "Eh, lance.."

Baka mamaya nanti-trip lang 'to eh.

"Hindi ba't alipin kita? Kaya pagsilbihan mo ako. Dali!" makapag-utos talaga si lance eh.

Seryso talaga sya?

"Hoy lance may mga kamay ka kaya hindi ka na dapat subuan ni Tweety girl." Sabat ni john dell.

My knight in shining armor.

"Huwag kang makialam john dell, slave ko 'to baka nalilimutan nyo. Kaya iuutos ko sa kaniya kung ano ang gusto ko." Sabi ni lance.

Desidido talaga magpasubo? Napansin ko parang naiinis na si john dell.

Naku, baka magkainitan pa. "Fine," sabi ko. Mabuti na 'yun, Slave naman nya ko talaga. Baka mamaya mag-away pa sila ni john dell.

"Crush.." si john dell.

"Okay lang john dell." Sabi ko agad.

Aish. Pasalamat ka talaga lance.

--

Lance POV

Eh bakit ba sila nakikialam? Gusto ko magpasubo eh. Para saan pa at nag-alipin ako? Mukhang naiinis na nga sa'kin si john dell .Masyado siyang concern kay liana.

Aish. BF ka? Kung maka-react, aish!

Nakaupo na ngayon sa tabi ko si liana dito sa couch

"Oh," si liana.

Tinutukoy niya yung graham. Susubuan na kasi niya ako.

Nyam, nyam, nyam.

Sarap naman talaga 'pag may alipin.

HAHAHAHAHA

"Isa pa.."

Ang sarap ng graham

"Tch." Umingos pa si liana.

"Are you mocking at me?" tanong ko. Para kasing may binubulong-bulong pa eh.

Napapa-english ako eh. Sa halip na sumagot, sinaksak niya sa bibig ko 'yung kutsara.

"Aray naman, papatayin mo ba ako liana" Sinigawan ko siya.

Ito namang si liana pa-inosente.

"Patay agad?" sarkastikong sabi ni liana.

Namimilosopo na'tong babaeng 'to ah. "Pinipilosopo mo ba ako?"

Sumimangot siya which I find it cute. Ahhh! Hindi. Hindi siya cute.

"BUSOG NA AKO." Kumakabog na naman ang dibdib ko. Langya

Nakatingin lang siya sakin. Naksimangot pa.

"IKUHA MO NGA AKO NG MINERAL!"

Napapasigaw tuloy ako ng wala sa oras.

Takbo tuloy agad si liana sa ref. Haha. Aish. Ano ba 'tong nararramdaman ko. Badtrip.

He's My Famous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon